PAANO ‘PAG HINATAW NA NG MGA PINOY ANG CHINESE WORKER?

TODOPASA

MAY katwiran si Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na hindi dapat magkaroon ng “great wall” o dambuhalang pader na nagbibigay ng proteksiyon sa mga manggagawang Chinese na hindi nagbabayad ng wastong buwis sa Pilipinas.

Nagbigay ng ultimatum kamakailan ang Department of Finance (DOF) sa mga Chinese employer at empleyado na sundin ang batas sa buwis sa a­ting bansa hindi iyong puro “palusot” lamang sila.

Iginigiit kasi ng DOF at mga finance manager ng bansa na magtaas nang magtaas ng buwis ang Kongreso sa pamamagitan ng TRAIN LAWS ngunit hindi nakakakolekta nang maayos na buwis at patuloy ang katiwalian sa Bureau of Internal Revenue, Bureau of Customs, Bureau of Immigration, at Department of Labor and Employment (DOLE).

Diin ni Recto: “Baka kaya nagdagsaan ang mga dayuhang ito sa Pilipinas ay dahil masyado tayong maluwag. Nalulusutan ang BIR, DOLE at Bureau of Immigration.”

Hindi tamang mahigpit ang BIR sa pagbubuwis sa mga Pilipino pero niluluwagan ang mga manggagawang Chinese na hindi nakakaltasan ng tax ang kanilang suweldong mas malaki kaysa mga kababayan natin.

Kawalang katarungan ang ginagawa ng ating economic managers at hindi habang panahon ang pagtitiis ng mga Pilipinong nanonood lamang ngayon sa pang-aabuso ng mga Chinese. Huwag na nilang hintayin na mag-alsa ang mga manggagawang Pilipino na nagpapasan ng hindi patas na pagbubuwis ng ating gobyerno.

Kapag sinasaktan na ng mga Pilipino ang mga manggagawang Chinese na nalilibre ng buwis, marahil kikilos na ang mga nasa Malakanyang lalo ang mga maka-Chinese na sina Pa­ngulong Rodrigo Duterte at Presidential Spokesman Salvador Panelo. (TODOPASA /ARIEL BORLONGAN)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment