OTS SA NAIA MGA WALANG MODO

PASABOG

I AM not saying, na lahat ng mga taga Office Transportation Security (OTS) na naka-assign sa mga paliparan ay mga dispalinghado but base on my experience, every now and then, karamihan sa mga ito ay walang modo.

Or lumilihis sa ipinag-uutos ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa ilalim ni MIAA General Manager Ed Monreal, na ipatupad ang makataong pakikitungo partikular na sa mga pasahero at maging sa airport users.

Meaning, porket tinagurian kayong front liner ng airport magagawa n’yo na ang lahat kahit hindi maganda sa paningin ng taong bayan. Siguro, nakalimutan ng mga ito ang tinatawag na courtesy.

Ang naturang kautusan ni GM ay mayroon paggalang ‘with a smile’ at makataong pagkapkap sa mga incoming o papasok sa mga aiport  at higit sa lahat walang exemp­ted dito maliban kina GM at manager ng mga airport.

Take note, mga OTS na taliwas ang pag-iisip, ha, ha! Ito ha! Kung hindi ba naman kayo mga  gag……….o pati ba naman mga taga media na nagkokober sa NAIA kung makapkap n’yo parang mga may dala kaming mga kontrabando.

Bakit ba itong mga airport police kung pumasok at lumabas sa NAIA, mayroon ba kayong nagagawa sa mga ito or kinakpakapan n’yo ba? At pati itong mga papasok na mga OTS, exempted ba kayo?  Nek-nek n’yo!

Kung magpapatupad kayo ng order, be sure na wala kayong pinipili, kailangan lahat dumaan sa kautusan, mantakin mo kaming mga taga media na itinuturing na fourth state, kung makapkapan n’yo parang wala kayong galang, pati mga bag, kung halughugin n’yo para mayroong mga itinatago.

Kung makaasta kayo, parang kayo na ang batas, bakit malilinis ba kayo? Ha, ha, ha! Sagutin n’yo ito, mga bugok, sige nga, kung malinis kayo, ilan na ba sa kasamahan n’yo ang nasabit sa kawanghiyaan? Ha, ha, ha! (PASABOG / FROILAN MORALLOS)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment