OPENING NG SEA GAMES PATOK, PALPAK SA PRE-RECORDED LIGHTNING SA ‘KALDERO’

CHRISTIAN BOMB

PATOK ang opening ng 30th SEA Games sa bansa dahil sobrang galing ng productions at perfor­mers.

Ipinakita sa mga sayaw kung ano ang kultura ng Pinoy sa iba’t-ibang panig ng bansa. Nakaka-proud na makita ang players na naglalakad bitbit ang Philippine flag.

Isa sa highlights ay ang pagparada ng Pinoy legends na gold medalist sa nakaraang SEA Games.

World class din ang singers. Iba talaga ang ta­lentong Pinoy.

Okey na sana, kaya lang, umaga palang ay pumutok na ang balitang walang sisindihang kaldero o cauldron kaya hindi na pinapasok sa New Clark City ang mga reporter, cameraman at photographer.

Ang dahilan, bago simulan ang pagbubukas ng SEA Games, ay ini-record na pala ang pagsindi nina boxing legend Sen. Manny Pacquiao at gold medalist Nesthy Petecio sa cauldron na siyang ipinalabas sa Philippine Arena.

Ngayon lang nangyari na hindi aktuwal sinindihan ang cauldron sa opening ng SEA Games.

Sa nakaraang SEA Games sa ibang bansa, sa araw mismo ng pagbubukas ng palaro aktuwal na sinisindihan ang cauldron nila.

Dahil pre-recorded lighting ang ginawa, batikos na naman ang inabot ni Speaker Alan Cayetano, chairman ng PHISGOChisgoc (Philippine SEA Games Organizing Committee) Foundation na siyang namahala sa SEA Games.

Ayaw ni Cayetano na nababatikos ang pamamahala nila sa SEA Games, pero ayaw naman nilang gumawa ng tama.

oOo

TIMBRE: Paging PNP-Region 3 Director, Gen. Rhodel Sermonia, isang alyas “Jesica” at isang alyas “Leslie” daw ang may color games, beto-beto at drop balls sa Bulacan….Paging NCRPO Director, Gen. Debold Sinas, may pa-jueteng daw sa Cubao, Quezon City ang isang alyas “Tepang.” (CHRISTIAN’ BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment