NAGKAALAMAN NA!

PANANAW

NAIIRITA si Presidential son, Cong. Paulo Duterte na siyang Deputy Speaker ng mababang kapulungan ng Kongreso kay DOT Sec. Berna Romulo – Puyat na ikinagulat ng publiko noong Huwebes sa deliberasyon ng 2020 national budget.

Ayon sa mambabatas, sasama sana siya sa deliberasyon at ratipikasyon ng budget ng departamento ni Sec. Puyat noong Martes, Sept. 17, para maklaro ang mga isyu at concern laban sa DOT chief tungkol sa nangyayari umano sa kanyang departamento.

Plano sana niyang umupo sa deliberasyon at tanungin ang kalihim tungkol sa mga nakararating na reklamo sa kanyang opisina kaugnay sa pamamaraan ng pag-apruba ng DOT sa mga kontrata at proyekto nito ngunit, ayon kay Speaker Alan Cayetano, ang isyung ito ay maaari naman daw itanong nang diretso kay Sec. Puyat.

Kaya ang ginawa ni Cong. Duterte ay nakipag-usap na lang siya nang magkahiwalay kina Speaker Cayetano at DOT Sec. Puyat at pagkatapos na maipaliwag niya ang concern na ito kay Sec. Puyat, sinabi niya na ‘napupuyat na raw siya ngayon sa babaeng ito’.

“Kasama si House Speaker, ang buong akala ko tapos na ito at bilang paggalang sa ­ating Speaker ay pumayag ako. Ang buong akala ko ay maganda ang ibubunga ng aming pag-uusap, ‘yun pala ay mauuwi lang sa sumbungan at mga ­maling paratang laban sa akin at alam nyo na esteemed colleagues kung kanino. Ito lang po Mr. Speaker, ako po ay ­naniniwala na dapat ipabatid natin sa lahat ang mga pangyayaring ito. Nang sa gayon ay malaman ng ating mga kababayan ang tunay niyang karakter at pag–uugali…” pagtatapos ni Duterte patungkol kay Puyat.

Sa Pananaw ng inyong lingkod, tama naman si Cong. Paulo Duterte na bilang ­miyembro ng Kongreso ay may karapatan siyang magtanong at ipabatid sa ­ating mga mamamayan ang tunay na nagyayari at gusto lang naman niya ay maintindihan at malaman ang isyu dahil naniniwala siya sa kanyang karapatan at sinumpaang tungkulin na magtanong kasama ang kanyang mga kapwa mambababatas. ‘Di naman puwede na magbingi-bingihan lang siya sa mga reklamong nakarating sa kanyang opisina. Kaya guys, tila may sasabog pang bomba sa isyung ito. Abangan.

o0o

Grabe pala itong si Sec. Delima sa garapalan at pambabastos sa batas. Ayon sa chart na inilabas ni Senator Gordon, lumalabas na sa apat na nagdaang Secretary of Justice, siya ang may pinakaraming preso na napalabas na may datos na 8,932 at 3,943 rito ay mga nahatulan ng heinous crime sa ilalim  GCTA na nagsimula pa noong 2014. (PANANAW / Cynthia Gabinay)

Related posts

Leave a Comment