NAG-AMOK NA SEKYU  SA DPWH, TATLO PATAY

PASABOG

ISANG malaking dagok sa pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nangyaring patayan sa loob ng parking area bago ang Kapaskuhan dahil ayon sa history ng DPWH, ito ang kauna-unahang insidente na tatlo ang  namatay on the spot sa bakuran ng ahensiyang ito.

Bakit kanyo? Ibig sabihin, walang binatbat o inutil ang namumuno ng security services, na siyang may hawak ng Cata­lina at Bisang Pass security agency na nakabantay sa mga exit at entry ng DPWH.

Para sa kaalaman ng avid readers ng kulom na ito, itong Bisang Pass at Catalina security agency ay isa ang may-ari, at mind you mga mambabasa, kaya bagyo ito sa DPWH ay dahil kamag-anak ito ng isang director.

Kaya kahit medyo hindi maganda ang serbisyo ng security agency na ito, walang pumupuna dahil, hindi ko alam kung mga takot, o baka naman dahil sa tinatawag na pakikisama.

Okey ba director? At hindi lang ‘yan, kapag mayroon nagiging problema ito sa loob ng DPWH, ito ang humaharap sa halip na itong may-ari ang gumawa ng paraan para maayos ang gusot.

At ito ngayon ang katanungan ng inyong lingkod, ito bang si Wilfredo Gamayon, ang suspek sa triple murder o pumatay sa tatlong biktima, ay dumaan sa Neuro exam? (PASABOG / FROILAN MORALLOS)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment