KOLORUM NA COURIER COMPANY DUMAMI

BOMBAHAN NA FINAL

NAGLIPANA ang mga kolorum o fly-by-night courier company sa Pilipinas.

At alam niyo ba kung sino ang mga may-ari nito? Mga Tsekwa na naman.

Ayon sa silipero ng BOMBAHAN NA, wala raw pakinabang ang gobyerno rito dahil mga wala raw binabayarang buwis ang mga ito.

Kaya naman ‘tubong lugaw’ ang negosyo ng mga Tsekwang ito sa ba­yan ni Juan.

Hindi na magtataka ang BOMBAHAN NA, na mga Chinese ang nasa likod nito dahil sa dami na nilang nakapasok sa Pilipinas.

Kahit saang gusali sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan ay makakakita kayo ng Chinese nationals.

Hindi maikakaila dahil kakaiba ang itsura nila, mga singkit at mahilig silang tumambay sa tapat ng mga gusali na kanilang tinutuluyan.

Balik po tayo sa mga kolorum na courier company.

Isa po sa mga itinuturong ilegal ay ang kilalang Alibaba.com

Para sa kaalaman ng mambabasa ng BOMBAHAN NA, ang Alibaba.com ay pag-aari ng Alibaba Group Holding Li­mited, isang Chinese multi-national conglomerate holding company specia­lizing sa e-commerce, retail, internet at technology.

Itinatag ang kompanyang ito noong Abril 4, 1999 sa Hangzhou, China.

Isa lang sa may-ari nito ay ang pinakama­yamang tao sa mundo na si Jack Ma.

Kamakailan ang ma­mang ito ay nasa Pilipinas at nagtungo pa sa Palasyo ng Malakanyang.

Ganun?

Kawawang local courier company sa Pilipinas, apektado ng negosyo ni Jack Ma.

Sana silipin ng gob­yerno partikular ng Bureau of Internal Re­venue (BIR), Department of Trade and Industry (DTI) at Securities and Exchange Commission (SEC) kung paano nilang matutulungan ang local mga courier company para hindi sila tuluyang magsara.

Sila po ang mga lehitimong nagbabayad ng buwis at tumutulong sa pamahalaan sa oras ng pangangailangan.

Sila rin po ang nagbibigay ng maraming trabaho sa mga Pinoy.

Sa ganang akin, dapat ay magkaroon ng matibay na regulasyon ang gobyerno ukol dito.

Kailangan ikonsidera nila ang kapakanan ng local courier company kesa malalaking kompanya na pagmamay-ari ng mga dayuhan dahil wala namang pakinabang ang gob­yerno sa kanila.

Dapat mag-level up na rin ang mga batas ng Pilipinas, kailangan makasabay tayo sa mabilis na pagbabago ng teknolohiya sa buong mundo.

Sa ayaw at sa gusto natin ay kailangan natin mag-adjust pati ang ating mga batas.

Halos lahat na ng klase ng pagbili at transaksyon ay idinadaan na sa Internet ngayon. Kung hindi kikilos ang ating mga mambabatas at mga nakaupo sa gobyerno ay lalong mapag-iiwanan ng ibang bansa ang Pilipinas.

Matatalino ang lahi ni Juan kaya lang may pagkatamad iyong iba.

Kailangan ngayon pa lang ay kumilos na tayo at baka paggising natin sa mga susunod na araw ay sinakop na tayo ng China.

Tulong-tulong po tayo para sa kaunlaran ng Inang Bayan.

oOo

Paglilinaw lang po dun sa kolum natin noong nakaraang Oktubre 31 patungkol kay Mayor David Navarro na pinatay sa Cebu City, hindi po PNP Region 5 yun, kundi PNP Region 7 ang tinutukoy po natin dun. Nagkamali lang po tayo ng pag-type ng numero.

oOo

Pasabugin ang katiwalian, isumbong sa BOMBAHAN NA mag-email joel2amongo@yahoo.com at operarioj45@gmail.com

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment