KAYA PALA PANAY BANAT NI LENI GUSTONG MAGING GABINETE

CHRISTIAN BOMB

NOONG una ay tutol ang oposisyon na tanggapin ng kanilang lider na si Vice President Leni Robredo ang alok sa kanya ni Pangulong Duterte na maging co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drug (ICAD), pero nang tanggapin ito ng bise presidente ay naobliga ang mga tinatawag na “dilawan” na suportahan si Robredo.

Bago inalok ng puwesto ni Duterte si Rob­redo ay binatikos nito ang gobyerno dahil palpak daw ang “war on drugs” nito, at dahil nabuwisit ang Presidente sa pagpuna sa kanyang giyera kontra droga ay inalok nito na maging co-chairman ng ICAD ang bise presidente.

Nagkakaisa ang mga miyembro ng oposisyon na nagsabi kay Robredo na huwag tanggapin ang alok.

Ito na ang siste, nang tanggapin ni Robredo ang posisyon, nagkakaisa na ngayon ang statement ng oposisyon na sumusuporta sila sa bise presidente bilang co-chairman ng ICAD.

Diyan makikita na itong mga nasa oposisyon ay walang mga isang salita o palabra de honor.

Dapat kasing ginawa nila ay binatikos si Robredo sa pagtanggap ng panibagong posisyon sa gobyerno, kasi panay ang batikos nila kay Duterte, pero nang alukin ng posisyon, sinunggaban agad.

Lumalabas kasi na kaya lang binabatikos ni Robredo ang Presidente ay dahil gusto lang pala nitong magkaroon uli ng puwesto sa Gabinete ni Duterte.

oOo

TIMBRE: Paging PNP-OIC Gen. Archie Gamboa at NCRPO Director Gen. Debold Sinas, isang alyas “Jess” daw ang kumukuha ng payola sa gambling lords sa Quezon City… isang alyas “Tata Delo” raw ang payo­la collector sa Maynila. (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment