KAWANI NG BI DAHILAN NG PAGLOBO NG ILLEGAL ALIENS

PASABOG

HINDI kayang mapigilan ng Bureau of Immigration ang pagdami ng mga ilegal na dayuhan sa bansa hangga’t nananatili ang mga kurap o magnanakaw na opisyal sa kanilang mga puwesto.

Kahit anong pagkukumahog ni Commissioner Morente sa kanyang isinusulong na paglilinis sa hanay ng mga tiwaling opisyal sa kanyang opisina tila “he is just wasting the time and effort” hangga’t patuloy na namamayagpag sa puwesto, partikular na itong may hawak na sensitibong mga puwesto.

At hindi lang ‘yan, take note!, Mr. Commissioner, may sabwatan sa pagitan ng isang nagkukunwaring taga-media at ilang kawani ng BI sa airport sa walang humpay o tuloy-tuloy na paglobo ng ilegal dito sa ‘Pinas.

Itong nagkukunwaring taga-media ang ginagawang front liner ng grupo sa airport,  na siyang sumasalubong sa mga incoming Chinese tourist, and to tell you Mr. Commissioner, itong grupo ay nagkakamal ng salapi galing sa mga turistang Chinese na nagnanais manirahan sa bansa.

Gamit nitong grupo ang salaping nakulimbat mula sa mga turistang Chinese para pangsuhol sa mga kurap ng opisyal ng BI, upang magawang paraan ang paninirahan ng daang-daang ilegal Chinese na dumarating sa NAIA.

Ang mudos operandi nitong galonggung na grupo, kapag may parating silang Chinese tourist  ay naka-abang itong nagkukunwaring reporter sa arrival area ng NAIA para mapadali ang proseso ng mga papeles.

At pagkalabas sa arrival area, nakaabang na rin ang kanilang kontak na sasakyan para pansamantalang mag-check-in sa isang hotel somewehre over the rainbow, anong rainbow? Sa may MOA. (May karugtong sa next isyu. Parang komiks hano!) (PASABOG / Froilan Morallos)

Related posts

Leave a Comment