KARAPATAN NG ISANG NANGUNGUPAHAN

BOMBAHAN NA FINAL

ISA na naman pong tagasubaybay ng Bombahan na ang bibigyan natin ng espasyo upang mailahad ang kanyang hinaing na may kinalaman sa kanyang inuupahang kwarto.

Ipinadala ng ating tagasubaybay na nagpapatago sa pangalang San ang kanyang email nitong nakaraang Hunyo 28 lamang. Narito ang isinasaad sa kanyang email:

“Tanong ko lang po. Ako po ay nangu­ngupahan sa paupahan ng auntie ko.

Wala po kaming pinir­mahang kontrata at mahigit dalawang taon na po akong nangungupahan sa ka-nila.

Minsan hindi ko nababayaran ang upa ko. At may sistema siya kung paano ma-monitor yung mga bu-wang hindi ko nabayaran. Binabayaran ko rin naman kapag may pera na.

Dahil nga po sa auntie ko siya ay napapakiusapan ko siya.

Hindi po ako mag-isa na may mga kulang na buwan o ‘di nababayaran. Maging Sa ibang nangu­ngupahan ay mahaba ang kanyang pasensya.

Ngayon po, nasa malayong lugar ang aun­tie ko. Pero meron siyang pinagkakatiwalaan na maningil at mangolekta ng renta.

Babayaran ko sana ang para sa dalawang buwang pagkakautang pero sabi ng katiwala ng auntie ko ay hindi na niya tatanggapin ang bayad namin at hanggang sa katapusan na lang ng buwang ito kami (pwedeng tumira sa paupahan).

Ipa-padlock niya raw po ang room namin. At maaaring ilabas ang mga gamit namin.

Yun daw po sabi ng auntie ko, ayon sa pinagkakatiwalaan niyang mangolekta.

Pero di ko pa po nakakausap ang auntie ko dahil di ko siya nakokontak.

Ano po ang dapat kong gawin para di mapaalis sa room namin?

Ano po ang mga batas at karapatan ko bilang nangungupahan? Wala pong kontrata.

Narito po ang tugon natin sa liham ni Ma’am San: Mahalaga ang kontrata. Kahit magkamag-anak kapag negosyo at pera ang pinag-uusapan dapat may kontrata.

Dahil wala po kayong kontrata, lahat ng mga pinag-usapan nyo ng tiyahin mo ay balewala, nagbayad man kayo o hindi ng upa.

Dapat panibagong usapin na yan dahil may katiwala na ang auntie nyo.

Mag-umpisa kayo sa una, gawa na kayo ng kontrata.

Hindi pupwedeng hindi tanggapin ng katiwala ng auntie mo ang ibinabayad nyong upa.

At dapat kapag nagbayad kayo ay may resibo. Pwede ring ideposito sa bangko ayon sa batas ng paupa-han.

Hindi niya pwedeng gawin na ilabas ang gamit nyo dahil lalabagin niya ang batas sa pagpapaupa.

Ayon sa batas ng paupahan, sa loob ng tatlong buwan ay pwede kayong paalisin ng nagpapaupa.

Pero tatandaan nyo, hindi basta-basta paaalisin dahil dapat bigyan kayo ng panahon na makahanap ng lilipatan sa loob ng isang buwan o higit pa.

At hindi rin po pwedeng gawing dahilan kaya pinaaalis kayo dahil ibinibenta na ang paupahan.

Ang alam ko po Ma’am San, ang nakasasakop sa inyong reklamo kung saan pwede kayong dumulog  ay ang Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) na matatagpuan ang tanggapan sa Kalayaan Ave-nue, Diliman, Quezon City sa tabi lang po ng Quezon City Hall.

Maraming salamat po sa tiwala sa BOMBAHAN NA!

oOo

Pasabugin ang katiwalian, isumbong sa BOMBAHAN NA! mag-email joel2amongo@yahoo.com.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment