K-12 PROGRAM NAKABUTI NGA BA?

BOMBAHAN NA FINAL

MAY napala nga ba ang mga Pinoy sa pagpapatupad ng K-12 Prog­ram ng Department of Education (DepEd)?

Matigas ang sagot ng ibang mga magulang na nagpapaaral ….WALA..!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Isa-isahin po natin ang negatibong epekto ng K-12 Program sa mga bata. Una, ang mga nagtapos ng SENIOR HIGH SCHOOL ay hindi rin makapasok sa trabaho dahil ang tinatanggap ng mga kompanya ay at least 2nd year college.

Sinasabi ng mga kompanya na ang nagtapos ng SENIOR HIGH ay hindi maituturing na 2nd year college  dahil ang tinapos niya ay high school pa lang.

Pangalawa, wala rin natutunan ang nagtapos nito dahil wala namang kagamitan ang mga eskuwelahan na kanilang pinasukan. Karamihan din sa mga eskwelahan na nagtuturo ng senior high school ay pawang mga pribado,  magkaroon man sa pampubliko, ay sobra-sobra ang dami ng mga estudyante.

Pang-apat, lalong dumami ang hindi na tumutuloy sa kolehiyo dahil sa haba na ng taon ng kanilang ginugol sa pag-aaral ay tinatamad na silang magtapos ng college.

Panglima, ang mga nagtapos ng high school na may mga edad na ay nawalan na ng pag-asa na muli silang makapag-aaral sa kolehiyo at makapagtapos ng apat na taon na kurso o higit pa dahil nahihiya na silang muling bumalik sa high school.

Duda tuloy ng taumbayan, ang mga nasa likod ng pagpapatupad ng K-12 Program ay nakipagsabwatan lang sa mga may-ari ng mga pribadong eskuwelahan para kumita sila dahil halos lahat ng mayroong senior high school ay nasa private school.

Kung iimbestigahan ng Kongreso ang usapin sa K-12 Program ay laliman pa nila at tanungin nila ang mga magulang ng mga nagtapos ng senior high school kung nasaan na ang kanilang mga anak ngayon.

Hindi pa maganda riyan sinasabi nila na pagpasok mo sa senior high ay preparasyon yan para sa pagkuha mo ng kurso sa kolehiyo.

Kung halimbawa ang kinuha mo noong nasa senior high ka ay may kinalaman sa pagluluto na kurso at nang mag-eenrol ka na sa kolehiyo ay naisipan mong kumuha ng ibang kurso dahil nagbago ang isip  mo ay hindi ka na ba pwede mag-iba ng kurso?

Imbes na pagtuunan nila ng pansin ang karagdagang pondo para sa mga bagong class room, maraming guro at seminars sa kanila ay iba ang pumasok sa kanilang mga isipan.

Dahilan pa ng mga nag-isip ng K-12 ay para makasabay daw tayo sa iba’t ibang bansa sa mundo na may ganitong prog­rama ng kanilang edukasyon.

Kahit na sampung taon (10) lang ang igugol ng mga mag-aaral mula elementary hanggang high school kung sapat naman ang mga guro, libro, classrooms at mga seminar sa mga teacher siguradong hindi magpapahuli ang mga Pinoy sa katalinuhan sa ibang lahi.

Saan ngayon ang malaking pondo ng K-12 Program, nalusaw lang nang walang napala ang taumbayan.

Suggestion po ng BOMBAHAN NA sa Kongreso, magpa-survey po kayo sa mga magulang kung sang-ayon ba sila o hindi sa K-12 Program.

Ang BOMBAHAN NA na mismo ay tutol sa K-12 Prog­ram dahil alam kong walang mapapala ang mga Pinoy dito.

‘Wag puro pansarili, mag-isip naman po tayo para sa a­ting kapwa.

oOo

Pasabugin ang katiwalian magsumbong sa BOMBAHAN NA. mag-email joel2amongo@yahoo.com (BOMBAHAN NA! / JOEL AMONGO)

Related posts

Leave a Comment