INCLUSIVE DEVELOPMENT ANG PINO-PROMOTE NG BCDA

GO FOR GOLD

ANG sarap naman ng trabaho ni Lani Barlo­ngay-Macasaet ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA)!

Si Macasaet ay Assistant Vice President for Corporate Communications ng BCDA. Mapalad siya kasi mahuhusay ang nagiging head ng BCDA, mula kay Atty. Arnel Paciano Casanova hanggang ngayon kay Vivencio B. Dizon na siyang president at CEO. Parehong napakabata ni Casanova at Dizon. Mga visionaries at action man pa!

Para sa aming government communicators or Public Information Offi­cers, mas madali ang trabaho kung magaling ang aming mga boss – Agency Head, Department Secretary, or Mayors. Tulad na lang ni Mayor Isko ng Maynila na milya-milya ang media exposure dahil sa mahusay na messaging at imaging ng kanyang mga programa.

Sa kaso ni Macasaet, mapalad siya dahil may continuity ang pagi­ging dynamic ng kanyang ahen­syang kinabibila­ngan.

Yung dating Clark Green City ay New Clark City na ngayon. Dito yung binabalak na Administrative Center ng gobyerno ala Putra Jaya ng Malaysia. Ang konsepto ay lahat ng government agencies at offices ay ililipat sa Clark para madecongest ang Metro Manila. Kung mangyayari yon, yung mga libulibong tao na may transaksyon sa gobyerno araw araw ay sa Pampanga na pupunta so mababawasan ang mga tao at sasakyan na gumagamit ng mga kalsada at public transport sa Maynila.

Successful ang Putra Jaya sa Malaysia. Maganda. Malinis. Maaliwalas.

Pero napansin ko na mas malapit ito sa Kuala Lumpur kaysa sa New Clark City sa Metro Manila. Wari ko ang distansya nya ay parang Malolos, Bulacan lang.

Maayos ang urban planning ng Putra Jaya dahil kumpleto ang housing at recreational facilities para sa lahat ng empleyado at opisyal ng pamahalaan. At ganyan din naman ang plano para sa New Clark City.

Nauna na nga sila Secretary Arthur Tugade at Director Goddes Hope Oliveros-Liban ng Department of Transportation sa paglipat ng kanilang opisina sa New Clark City.

Sana naman marami pang sumunod na ahensya hanggang lahat na ay an­dun sa bagong Administrative Capital ng Pilipinas.

Marami kasi ang matutulungan at mabibigyan ng hanapbuhay sa relokasyon na ito. Pangunahin na ang ating mga Indigenous Peoples (IP), ang mga Aetas sa gitnang Luzon.

Isa na diyan si Jaymar Tiglao ng Sitio Kalangitan na nagsabing mas productive at maginhawa ang buhay nila dahil sa trabaho mula sa BCDA. Di na nila kailangan magtanim ng kamote para mabuhay. Ba­yad na lahat ng utang nila sa suking tindahan. Marami sa kanila ang nakabili ng motorsiklo.

“Maaga na natutulog ang mga tao dahil maaga na sila nagigising para pumasok. Nawala na ang mga tambay sa aming lugar,” sabi ni Tiglao.

Ganun din naman ang kuwento ni Reynaldo Medrano na isang chieftain ng Sitio Kalangitan, “Nagpapasalamat kami dahil lahat ng pwedeng magtrabaho, nandoon sila sa New Clark City. Sa akin kasing karanasan, ang magsasaka ay laging bagsak.”

“Yung mga kababayan ko sa Kalangitan, masaya kami sa nakikita naming na nandyan sila nagtatrabaho at kumikita. May trabaho, may maayos na daan, at masaya ang bawat pamilya dahil may pagkain yung mga bata,” sabi naman ni Bayani Sumawang na isang Aeta tribal leader at dating commissioner ng National Commission on Indigenous People (NCIP).

Masaya at tahimik ang komunidad dahil sa benepisyong hatid ng proyekto ng BCDA. Lagi ring may dialogo ang BCDA sa NCIP at mga komunidad para ipaliwa­nag ang mga mangyayari pa sa mga darating na araw.

Suwerte mo talaga, Lani  Ang galing ng BCDA! (GO FOR GOLD / PAUL SISON)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment