HUWAG “FEELING SPECIAL” SA DAAN ANG MILITARY/PNP

ITO ANG TOTOO

IGINAGALANG, at dapat nating igalang ang uniporme ng a­ting mga sundalo – Army, Navy, Marine, Coast Guard, at pati PNP.

Ito Ang Totoo: dapat rin maging malinaw sa kanila na dapat nilang pangalagaan ang reputas­yon at sinasagisag ng kanilang uniporme.

Malaking sukatan sa asal ng mga unipermadong dapat ay lingkod bayan ang ginagawa nila habang nasa lansangan.

Kahapon (Biyernes), bandang ika-4 ng hapon, may convoy ng Military trucks na pinangungunahan ng isang PNP vehicle ang nagka-counter flow sa kahabaan ng Jose Abad Santos Highway sa Pampanga.

Mistulang mga VIP na nag-counter-flow patungo sa direksiyon ng Bataan, pagkatutulin at nagsilbing panganib sa iba pang motorista.

Ito Ang Totoo: hindi dahil unipormado ay exempted sa batas trapiko, lalo na at wala namang emergency o dahilan para kailangan lumarga ng mabilisan.

Ang Military at PNP ay dapat tagapangalaga ng kapakanan at kaligtasan ng mamamayan at hindi angat ang pagkatao sa ordinaryong tao.

Ang sibilyan, ayon sa ating Saligang Batas, ay nangingibabaw sa Military/PNP.

Ito Ang Totoo: ka­yang tukuyin ng Military at PNP ang mga sinasabi nating balahura sa lansangang na kanilang mga tauhan.

Sana, turuan sila ng leksiyon sa dapat at hindi dapat. Ito kung ang kanilang mga tagapamuno ay hindi “feeling superior” sa sibilyan kaya masamang halimbawa sa kanilang mga tauhan. Ito Ang Totoo! (ITO ANG TOTOO / VIC VIZCOCHO)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment