HOW A HIGHLY MOTIVATED WORK FORCE CAN MOVE MOUNTAINS

GO FOR GOLD final

“PAANO nyo nagawa ang 15% sales growth? Eh 4% lang ang average growth for the previous decades based on historical sales?”

Ayan ang tanong sa akin ng isang taga ­McKenzie Consulting nung inaral nya ang aming financials sa isang ­kompanya na mina-manage ko bilang general manager.

2% of sales lang ang marketing budget namin at kulang pa kami ng stocks nung taon na yon. Pero na times 5 pa rin namin ang previous year’s growth na 3%!

“Our employees are responsible for that. From survival mode, they began to hope and sacrifice for the company once again,” ang sagot ko.

Ano pa kaya kung may marketing budget kami at may right stocks at the right time? Eh, di baka more than 30% growth pa?!

Ganyan kahalaga at kalakas ang impact ng mga empleyado na well-motivated. Ilang beses ko na ito na-witness at napatunayan sa higit 30 years kong nagpapatakbo ng organisasyon o kompanya.

Kaya akmang-akma ang GO FOR GOLD advocacy campaign na ni-launch namin para sa aming brands nung unang taon ko sa kompanya.

Two-pronged ang mensahe nitong GO FOR GOLD. Una, Go for gold … do your best! Anoman ang katayuan mo sa buhay, do your best! Atleta ka? Be the best athlete that you can be. Estudyante ka? Be the best student that you can be. Ganun din kahit ano ka pa. Traffic enforcer, janitor, clerk, etc. Go for gold! Do your best. Nadapa ka? Bangon! Kumbaga, positive values ang nais naming ma-inculcate sa tao.

Ang pangalawang mensahe, GO FOR GOLD! Go for GOLDTOE! Ibig sabihin, go for quality! Masyado kasing price conscious ang mamimiling Pilipino kaya tuloy parati na lang “pwede na” ang mentalidad natin.

Ngayon, para ­maging epektibo itong kampanya na ito, kailangan namin simulan sa loob ng kompanya ang call-to-action na ito bago namin dalhin ang mensaheng ito sa labas — sa aming mga customer.

Kaya minabuti namin na klaro muna ang mensahe  ng  Go  For  Gold  advocacy naming ito sa aming mga kasama sa trabaho sa opisina, bago pati na rin sa mga frontliner namin sa mga tindahan. Kailangan naming isabuhay ito. ­Dapat kami ang mauna sa pag  “do  your best, be your best!” We have to start from within our ranks  before  we  radiate  outwards.

Sinimulan namin ito sa pamamagitan ng mga early morning prayers, inspirational talks at anecdotes tuwing Lunes para sa mga empleyado sa head office.

Mula sa opisina, dinala namin ang mensahe sa mahigit 300 tindahan namin sa department stores, malls, atbp.

Importante na mapaliwanag sa mga promo girls namin kung ano ang Go for Gold! Kaya madalas kaming umiikot sa ­Luzon, Visayas at Mindanao ng ­aming National Sales Manager na si Jerry Mallari. Pati buong Metro Manila, ilang beses na namin nabisita ang mga promo girls ng Goldtoe at CityLady. Quarterly sa Metro Manila.

Malaking bagay sa kanila ang mga pagbisitang ito. They feel relevant. Iba kasi pag nabibisita sila ng mga taga head office sa puwesto nila. Iba raw ang pakiramdam na they exist.

May mga pagkukulang din kami sa aming mga kasama sa trabaho. Pero at least, ­pagdating dito sa palagiang pagbisita, pagpapasalamat, pagtapik sa balikat, at pagpapaalala ng GO FOR GOLD! … hindi kami nagkukulang.

Mapalad kami sa ­aming mga kasama sa trabaho dahil itong nakaraang 2018, biniyayaan na naman nila kami ng 23% sales growth!

Maraming salamat sa lahat ng aming frontliners sa department stores, back office ­support staff sa MIS, ­Accounting, ­Admin, ­Warehouse, atbp. (GO FOR GOLD / Paul Sison)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment