HOUSE BILL 0092

PANANAW

NAGHAIN ng Panukalang Batas bilang 0092 si Representative Edgar Mary S. Sarmiento, ng 1st District ng Samar,  na naglalayon na hadlangan sa pagtakbo sa kahit na anong posisyon sa gobyerno ang mga indibidwal na nahatulan na ng katiwalian sa Sandiganbayan.

Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang mga indibidwal na nahatulan na ng Sandiganbayan ay maari pa rin tumakbo  at mamuno sa mga pampublikong tanggapan hangga’t sila ay naghahain pa ng apela sa kanilang hatol.

Sa Aking Pananaw, tama ang panukalang batas na ito at nararapat munang patunayan ng mga indibidwal ang kanilang pagi­ging inosente bago muling pahintulutang tumakbo sa kahit na anong posisyon sa pampublikong tanggapan na kanilang nais dahil pinoprotektahan dito ang mamamayang Pilipino mula sa mga naghahangad na payamanin ang kanilang sarili at interes sa halip na magtrabaho para sa kabutihan ng mas nakararami.

Sanay na kasi ang ating mga pulitiko na kahit convicted o nahatulan na ay nakukuha pa rin tumakbo para makapanungkulan muli.  I­pagpatuloy lang natin ang ating pakikipaglaban sa isang bansang malaya sa kurapsyon at suportahan natin ang House Bill 0092.

EVERY SECOND COUNTS “ Disaster Preparedness and Awareness” drama movies – Suportado ng mga ahensiya ng gob­yerno  sa  pangunguna ni (PCOO) Sec. Martin Andanar,  Usec. Joel Egco (OP), Sec. Eduardo Ano (DILG), Usec. Benny Antiporda (DENR), Usec. Ricardo  Jalad (OCD), Ltc. Joseph Jocson (DND), Asec. Celine Pialago(MMDA),Fire Dir. Leonard  Banago (BFP), Usec. Ismael Narag (DOST) at Usec. Renato Solidum (Philvocs), ang makatotohanan pelikulang “EVERY SECOND COUNTS.” Kasama sa cast sina Jennelyn Mercado, Derek Ramsey, Jeric Raval, Juan Rodrigo, Christian Bautista, Liz Alindogan, Ina Alegre at Media Practitioners. Ito’y magpapakita at magtuturo ng kahandaan sa ating mga mamamayan sa anumang sakuna na darating sa ating bansa. Kasama rin ang mga nakaraan sakuna na nangyari sa ating bansa na kumitil ng maraming buhay.

Ang kahandaan natin para mabawasan o maiwasan ang casualty at masusugatan lalo na itong sinasabi ng Philvocs na  the “BIG ONE.”

Ituturo rin dito kung saan maaring  pumunta at ano ang gagawin ng mamamayan para mailigtas ang kanilang sarili at pamilya pag dumating mga sakunang ito at inaasahan na ito’y magiging triple blockbuster Movie. Nagpapasalamat tayo kay Ms. Narisa P. Gonzales (Film consultant /PR), sa pagpili sa ating mga tunay na Media Practitioners na gaganap sa role na  mga reporter  dito. Sa mga Producer Mr. JayR  Rosales, Ms Lalaine T. Perote, Mr. Jose R. Olinares, JR., higit sa lahat,kay Direk  Neal Tan (Writer / Director) mara­ming salamat din. (PANANAW / CYNTHIA GABINAY)

Related posts

Leave a Comment