HINDI TAMANG GAWING BIRO NI DUTERTE NA MAY KRISIS SA PAGSASAMA NINA KIKO AT SHARON

CHRISTIAN BOMB

KAHIT biro, mali ang isinapubliko ni Pangulong Duterte na may problema ang pagsasama ng mag-asawang sina Sen. Kiko Pangilinan at Megastar Sharon ­Cuneta.

Ito ang buong ­litanya ni Pres. Duterte… “Pinapaalis na nga ng asawa niya sa bahay niya, ayaw kay wala ibang matirahan. Totoo. Tanungin mo. At kung sabihin mo nagsisinungaling ako, I will resign. Ang sinasabi ko, totoo ‘yan”.

Dahil sa sinabing iyan ng Presidente, inakala nga ng publiko na may malaking problema ang mag-asawang Kiko at Sharon at dahil diyan, naobliga ang megastar na maglabas ng mga litratong masaya siya sa piling ng kanyang mister na senador at pinabulaanang may krisis na ang pagsasama nilang ­mag-asawa, at ang sabi ng megastar, nasa oposisyon daw kasi ang kanyang asawa kaya’t nagbibiro nang ganyan ang Pangulo.

Sa inis ng anak nina Kiko at Sharon na si Frankie ay nag-post tuloy ito sa social media ng mga pambabatikos sa Pangulo.

Sana, bago nag-joke nang ganyan si Pres. Duterte ay inisip niyang may mga anak nina Kiko at Sharon na maaapektuhan sa kanyang biro.

Presidente siya at anumang sabihin niya ay maaaring paniwalaan ng publiko.

At dapat isipin din ni Pres. Duterte na hindi siya kapamilya nina Kiko at Sharon kaya’t mali talaga na idaldal niya sa publiko na may malaking problema na ang pagsasama ng senador at megastar.

oOo

TIMBRE: Paging PNP-OIC Lt. Gen. Archie Gamboa, sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at ­Quezon) daw ay may mga pulis na nanghihingi ng payola sa gambling lords. Ang pangalan daw ng mga pulis na kolektor ay sina alyas “Chan” at “Uruga”… Sa Caloocan City, isang alyas “Sherwin” daw ang may pa-lotteng sa bukid area ng lungsod. (CHRISTIAN’S BOMB / Christian Hernandez)

Related posts

Leave a Comment