GOLDROCK NAGLABAS NG SERTIPIKASYON

BOMBAHAN NA FINAL

NAGLABAS na ng sertipikasyon ang Goldrock Construction & Deve­lopment Corporation na nagpapatunay na wala silang transaksyon sa bentahan ng Ford Ran­ger kay Herminio Tadeo, Jr.

Ang sertipkasyon na may petsang Oktubre 15, 2019 ay pinirmahan ni Anselmo Tuplano, kinatawan ng Goldrock Construction & Development Corp. na may tanggapan sa Caloocan City.

Tinutukoy sa sertipikasyon ang Ford Ranger DBL 2.2L pick-up na may serial number MNCDMFF20D-W2222, motor no. P4T1136293, Plate No. WIH-995.

Nakapaloob pa sa sertipikasyon ni Ginoong Anselmo na nagkaroon lamang siya ng transaksyon ng bentahan ng sasakyan (Ford Ranger) noong Agusto 28, 2014 sa Milestone Guaranty and Assu­rance Corporation.

Ang transaksyon ay nagkakahalaga ng P900,000 sa pamamagitan ng ‘deed of sale’ sa pagitan nila ni Norbeto Sauco, presidente ng Milestone Guaranty and Assurance Corporation.

Mula kay Ginoong Sauco ay naibenta naman ang Ford Ranger kay Rommel Gutierez sa halagang P400k na may orihinal ding mga dokumento.

Naibenta naman ito ni Gutierez kay Quizon sa halagang P550,000.00 sa pamamagitan ng ‘open deed of sale’.

Kalaunan ay napunta kay Tadeo na may ipinakikitang ‘deed of sale of motor vehicle’ daw nila ni Tuplano noong Pebrero 27, 2015.

Pano yan Col. Tadeo sir, naglabas na ng sertipikasyon si Mr. Tuplano ng Goldrock na wala raw kayong naganap na bilihan ng sasakyan?

Maging ang pirma na nakalagay sa pangalan niya sa ipinagawang deed of sale ay itinatanggi niya.

May paglalagyan itong sina Col. Tadeo at lawyer na nagnotaryo sa ginagamit niyang deed of sale ng Ford Ranger.

Col. Tadeo sir,  kahit anong tago mo lalabas at lalabas ang katotohanan na hindi mo totoong nabili ang Ford Ranger kay Tuplano.

Ayan na lumutang na si Mr. Tuplano at nagbigay na ng serpikasyon na wala kayong transaksyon na may kaugnayan sa sasakyan.

Kala mo hindi makahahanap ng kakampi ang kawawang apo ni Dolphy.

Kasunod niyan Col. Tadeo sir, ay patung-patong na kaso ang darating sayo.

Maghanda ka na dahil ang problemang ito ay nakarating na kay DILG Secretary Eduardo Año.

At antayin mo na rin ang imbestigasyon sayo ng Senado at dun ka magpaliwanag kung bakit napunta sayo ang Ford Ranger ni Quizon at Montero ni Jason Lee.

Ayon pa sa silipero ng BOMBAHAN NA, ang guma­gamit daw ng Ford Ranger na pag-aari ni Quizon ay anak ni Tadeo habang ang Montero naman ni Jason Lee ay siya mismo.

Dapat lang na maisalang itong si Col. Tadeo sa Senado nang magisa ito ng mga senador at para maituga kung paanong napunta sa kanya ang Ford Ranger ni Quizon.

Para malaman din ang katotohanan na si Jason Lee ay suspek sa nakumpiskang 400 kilos ng shabu sa Pampanga noong 2014.

Baka may kinalaman ito sa isyu ng ‘ninja cops’ na tinalakay kamakailan sa Senado.

Naiparating na ang isyung ito sa Senado, maaaring sa mga susunod na araw ay iimbitahan na si Col. Tadeo.

Payong kapatid ng BOMBAHAN NA sa ilang pulis, magbago na kayo, nilakihan na nga ang sweldo n’yo ni Pangulong Duterte hindi pa rin kayo tumitigil sa mga kalokohan nyo.

Ang panlalamang sa kap­wa ay panlalamang na rin sa Panginoon.

Mahalin po natin ang ating kapwa at mamahalin din po tayo ni Lord.

oOo

Pasabugin ang katiwalian, magsumbong sa BOMBAHAN NA, mag-email joel2amongo@yahoo.com.

Related posts

Leave a Comment