FOOTBRIDGE SA QC GINAWANG TIANGGE

BOMBAHAN NA FINAL

SINOLO at ginawang tiangge na ng mga vendor ang dalawang footbridge sa panulukan ng EDSA at Aurora Boulevard, Cubao maging ang kanto ng West Avenue at EDSA sa Quezon City.

Nagsisimulang dumami ang mga vendor sa dalawang footbridge na ito dakong alas-6 ng gabi hanggang madaling araw.

Ang footbridge sa kanto ng EDSA at Aurora Blvd., Cubao ay dinaraanan ng maraming tao dahil sentro ito ng negosyo sa Quezon City.

Gayundin ang footbridge sa kanto ng EDSA at West Avenue kung saan matatagpuan ang SM department store.

Kaya naman maraming tao ang dumadaan sa mga footbridge na ito na sinasamantala ng mga vendor.

Kaya pag naglabasan ang mga tao galing sa kanilang trabaho ay nagsisikip na ang dalawang footbridge na ito.

Hindi lang nakasisikip ang mga vendor na ito sa mga lugar kundi mga peke pa ang mga damit na ibinibenta nila.

Kinopya mula sa mga kilalang brand ng T-shirts, pantalon, shorts, damit at iba pang produkto ang ibinebenta sa lugar.

Nakalibre na sa upa ang mga vendor sa dalawang footbridge na ito ay niloloko pa nila ang kanilang kustomer.

Nagtataka lang ang BOMBAHAN NA, kung bakit hindi gumagawa ng aksyon ang Metro Manila Development Authority (MMDA) laban sa mga vendor na ito.

Itinayo ang mga footbridge sa Metro Manila para maging ligtas sa aksidente ang mga tumatawid.

Nakaligtas nga sa sagasa ng mga sasakyan ang mga tao na dumaraan sa footbridge pero biktima naman sila ng panloloko ng mga vendor.

Dahil ang kanilang nabibiling mga produkto ay peke.

May mga sumbong na natatanggap ang BOMBAHAN NA laban sa mga pekeng produktong nabibili nila sa mga vendor na ito.

Paging Quezon City Mayor Herbert Bautista, sir, sana maaksyunan nyo ang reklamo ng mga dumaraan sa dalawang footbridge na ito.

Ganun din kay MMDA Chairman Danny Lim sir, ginawa nang tiangge ng mga vendor ang nabanggit na mga footbridge.

Para malaman nina MMDA Chairman Lim at Mayor Bistek kung gaano kahirap maglakad sa mga footbridge na ito, subukan nilang dumaan sa mga ito lalo na pagdating ng alas-7 ng gabi para mapatunayan nila na totoo ang sinasabi ng BOMBAHAN NA.

Halos magkapalitan na ng mukha ang mga dumaraan dito sa dami ng tao.

Payo naman ng BOMBAHAN NA sa mga vendor sa dalawang footbridge na mag­hanapbuhay kayo ng patas.

Bukod sa nakapeperwisyo na kayo sa mga dumaraan ay mga peke pa ang ibinebenta n’yong produkto.

God Bless Us!

oOo

Pasabugin ang katiwalian, isumbong sa BOMBAHAN NA mag-email joel2amongo@yahoo.com

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment