FOLLOWING THE LORD

PINOY ABROAD

SA Psalms 23:4, ito ang awit ni Haring David ng Israel, sinasabing “Yeah, though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil; For You are with me; Your rod and your staff, they comfort me,”

Sa paglalakbay natin sa buhay, mayroong magaganda at masalimuot na karanasan tayong nasusumpungan.

Life wasn’t always sunshine and roses, ika nga. Hindi lahat ay umaayon sa ating kagustuhan o nag­reresulta ng mga bagay na pabor sa atin.

Maganda sana kung laging umaayon at ayos ang takbo ng ating buhay. Obviously, hindi ganon ang buhay sa daigdig na ito.

Ang tanong, paano natin haharapin ang mga hamon sa buhay? Kaya ba natin nang mag-isa? Aasa ba tayo sa pamilya o sa mga kaibigan?

Ang problema kung sa sarili lang natin tayo aasa, limitado ang ating kakayahan. Ang mga kaibigan at ating pamilya naman ay maaaring makatulong su­balit hindi sila laging nariyan para tumulong o dili kaya ay wala sila sa posisyon o poder para makatulong. Maaari rin wala silang alternatibong solusyon para makatulong.

Sa panahon ng bagyo at kadiliman ng buhay hindi tayo makaaasa sa mga tao sapagkat sila rin ay ‘di reliable.

Sa paglalakbay sa buhay, si Haring David ay di umasa sa kanyang sarili o maging sa kanyang pamilya at kaibigan para sa direksyon at tulong sa takbo ng pamumuhay at pamumuno. Para kay David, ang Panginoon ang kanyang pastol (shepherd, Psalms 23,1).

Tanging sa Panginoon siya lumalapit sa paghingi ng tulong sa buhay na kanyang nilalakbay; maging sa bingit ng kamatayan.

Kaya, boldly sabi niya, “Oo, bagaman ako’y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan, wala akong katatakutang kasamaan; sapagka’t ikaw ay sumasa akin: ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin.” Sabi ni Haring David na isang magiting na hari at salmnis­ta (psalmist).

Sinabi pa niya na, “following the Lord is better than following anything or anybody else.”

Kung papaanong kumportable ang mga tupa sa mga pastol sa kanilang pag-aalaga at pagbabantay sa kanila laban sa mababangis na hayop at magnanakaw, gayundin si Haring David na kumportable sa presensya ng Panginoon sa kanyang buhay.

Alam niya na hindi siya pababayaan at babantayan siya sa tuwina laban sa kanyang mga kaaway at alalahanin sa buhay.

Kailanman ang Panginoon, “will not leave him nor forsake him.” The Lord is the Good Shepherd who lays down His life for the sheep.” (John 10:11)

Kabayan, kanino tayo magtitiwala at susunod? Sana sa ating Panginoon na ating mabuting Pastol!

(givalencia777@gmail.com for comments and prayer)  (PINOY ABROAD / GUILLER VALENCIA)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment