DTI OVERLOAD KINASUHAN NG BIR

BAKBAKAN NATIN

TAONG 2019 na, ngunit hindi pa rin nababayaran ang mahigit P62 milyong buwis para sa taong 2009.

Pokaragat na ‘yan!

Ilang ulit nang inabisuhan ng Bureau of Internal Revenue – Region 9 (BIR – R9) na nakabase sa Davao City ang DTI Overload Transport Corporation hinggil sa P62,187,902.42 buwis para sa taong 2009, ngunit ayon sa ahensya, ay hindi pa rin ito binayaran ng DTI Overload.

Kaya, sinampahan ng BIR sa Department of Justice (DOJ) ang DTI Overload at ang pangulo nito na si Jose Miguel Soriano at general account nito na si Cecilio Canico, sapagkat ayon sa BIR, linabag nila ang  Seksyon 255 na nakaugnay sa mga Seksyon 253 (d) at Seksyon 256 ng Tax Code of the ­Philippines.

Ganito ang saad ng BIR: “BIR Davao records of investigation showed that [Overload] was served the corresponding Letter of Authority (LOA), Electronic Letter of Authority (eLA), First, Second and Final Notice of Request for Presentation of Records, Subpoena Duces Tecum (SDT), Preliminary Assessment Notice (PAN), Final Assessment Notice (FAN)/  Formal Letter of Demand (FLD) with Details of Discrepancies  but failed to  pay or to refute said assessment hence making the said assessments final, ­executory, unappealable and ­demandable.”

“DTI OVERLOAD’s obstinate failure and refusal to pay its long overdue deficiency taxes for taxable year 2009, despite ­repeated ­notices and demands, ­constitutes willful failure to pay the taxes due to the ­government,” tugon ng BIR.

Ang paghabla ng BIR sa DTI Overload at sa dalawang panguhing opisyal ng kompanya na sina Soriano at  Canico ay bahagi ng pagpapatupad ng programang Run After Tax Evaders (RATE) ng BIR sa ilalim ng liderato ni Commissioner Caesar Dulay.

Mabuhay ka Commissioner Dulay!

Lahat tayo ay mayroong tungkulin at obligasyon sa pamahalaan na magbayad ng buwis, lalo na ang mga negosyante.

Kapag hindi ­nagbayad ng buwis ay nararapat lamang sampahan ng BIR ng kaso dahil sa ginawang paglabag sa Tax Code of the Philippines.

Kaya, hindi pinalampas ng BIR ang mga kompanyang tulad ng DTI Overload at mga namamahala nitong sina Jose Miguel Soriano at Cecilio Canilo.

Sana, pagsabihan ni Dulay ang lahat ng regional directors ng BIR na agresibong ipatupad ang programang RATE upang makahuli pa ng maraming tax evaders at tax avoiders.

At ulitin ni Dulay sa kanila na ­siguraduhing walang opisyal at kawani ng BIR na tatanggap ng suhol mula sa mga ­negosyanteng hindi nagbabayad ng buwis.

Narito lang ang Bakbakan Natin! Na magsisilbing katuwang ng BIR laban sa tax evaders, tax avoiders at korap na mga opisyal at kawani ng BIR.  (BAKBAKAN NATIN / NELSON BADILLA)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment