DILG KUNTENTO SA ROAD CLEARING NG LGUs

PANANAW

KUNTENTO ang DILG sa ginagawa ngayon ng mga Metro Manila mayor at Provincial governors sa road clearing operation na inatas sa kanila.

Ipinatawag ang mga Metro Manila mayor noong isang buwan upang ipaliwanag sa kanila ang bagong  DILG Memoramdum Circular no. 2019 -121, ang road clearing operation, hindi lang dito sa Metro Manila kundi maging sa mga lalawigan. Ito’y ayon sa direktiba ni Pang. Rodrigo Roa Duterte sa DILG sa pangunguna ni DILG Sec. Eduardo Año, mula July 29, 2019 na magtatapos ngayon Sept. 19, 2019 o 60 days na ibinigay na palugit ng DILG sa kanila upang linisin ang Metro Manila na may kaparusahang 2 buwan suspension sa kanyang serbisyo ang hindi makatutupad nito.

Sa iniulat ngayon ni Sec. Año, meron nang 139, 959 meters road at 52,831 meters na sidewalk sa metro Manila ang cleared na sa obstructions at illegal structures at ang resulta ay 1,444 illegal vendors at 49 terminals ng jeepneys, tricycles, pedicabs at iba pa. Kasama ang 1,292 illegal parking vehicles, 813 na mga Booth, monoblock ang nawala na sa ating mga lansangan.

Ang mga nagunguna na halos 80% ng cleared sa Metro Manila ay ang siyudad ng Marikina, Pasay, San Juan, Valenzuela, Pateros, Makati at Malabon.

Hinihikayat din ni Sec. Año ang mga mayor sa buong bansa na sundan ang mga ginagawa ng mga Metro Manila mayor sa mabilis nilang pagkilos. Sa mga lalawigan naman, nangunguna ang Palawan, Guimaras, Batanes at Romblon.

Ayon naman sa report ni DILG Spokesperson Usec. Jonathan Malaya na siyang nag-monitor para sa mga region at lalawigan na nagunguna naman sa road clearing operation ng mga LGU’s sa mga region na may mataas ang rate, ay ang Metro manila, kasunod ang Cagayan Valley 77.5% , Central Luzon 62.3% Central Visayas 58.3%, CALABARZON 53.5% at Western Visayas na may 53.6%.

Sa Pananaw ng inyong lingkod, wala naman imposible kung tayong mamamayan ay sama -sama na nagtutulungan para sa ikagaganda ng ating mga kapaligiran na nararapat lang upang makatulong naman ang bawat namumuno ng siyudad, bayan at lalawigan, ang maiayos ang ating mga lugar para maiwasan ang trapik at maging maayos, malinis para magandang pamayanan at para na rin sumunod ang tao sa tamang disiplina para sa bayan.

Naalala ko tuloy noong unang sampa ko lang dito sa Maynila ay takot akong dumura kung saan-saan, takot ako magtapon ng basura sa daan at takot ako tumawid kung wala sa tawiran. Dito natin makikita na kaya natin ito, huwag tayong pasaway dahil para rin sa atin ito. Sabi nga, “Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan.”

Congrats po sa inyong lahat! Happy birthday pala kay Mama Mary. (PANANAW / CYNTHIA GABINAY)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment