DATA SA CP KAYANG I-HACK/CLONE NG ONLINE LENDING COMPANY?

TINIG NG MANGGAGAWA final

TINATAWAGAN natin ng pansin ang dalawang ahensya ng gobyerno na nakasasakop sa problemang dulot ng isang ONLINE LENDING company na inuulan ng reklamo dahil sa kanilang pang-aabuso, panggigipit at iligal umanong panghihimasok sa PRIVACY ng kanilang kliyente.

Huhubaran natin ng ‘maskara’ ang kompanyang TRENDING sa reklamong PAMAMAHIYA, PANGGIGIPIT at PANANAKOT. Dagdag pa ang pagnanakaw umano sa mga pribadong impormasyon ng kanilang parokyano.

Ito ay ang ONLINE LENDING company na PONDO PESO, kung saan sangkaterba nang reklamo ang natatanggap ng kolum na ito mula sa mga taong nakaranas ng MODUS ng nasabing kompanya.

Direkta nating ipinararating sa tanggapan ng Securities and Exchange Commission (SEC) at ng Department of Information and Communications Technology (DICT) dahil sila ang nakasasaklaw sa mga problemang gaya nito. Lubhang nakaaalarma ang sumbong ng mga umano’y nabiktima.

Anila, ‘SCAM’ ang kompanyang ito dahil ONLINE ang transactions, walang malinaw na virtual office address ang PONDO PESO at maging ang contact numbers nito ay paiba-iba.

May ilang nagsabi na nakapagpapautang daw ng mula P10 libo pataas ang PONDO PESO ngunit hindi nakukuha nang buo dahil ibinabawas na ang interes at ang service fees. Ang itinatakdang termino ay kalahating buwan at kapag hindi nabayaran sa takdang oras, ito ay tutubo dahil sa interes at penalty.

Wala naman daw gaanong problema sa ganitong polisiya. Ang problema ay sumisibol dahil sa kanilang estilong ‘modus’. Kapag malapit na raw ang DUE DATE ng kanilang pagbabayad, hindi na nila mabuksan ang ONLINE transactions.

Dahil dito, ang isang creditor na wala namang intensyon na pumalya sa pagbabayad, magkakaroon ng penalty at interes.

Ang problema ay manganganak pa ito sa pamamagitan ng dati nang estilo ng mga nagpapautang na kapag hindi nabayaran, HIHIYAIN, PAGBABANTAAN at TATAKUTIN ang pobreng parokyano o nangutang.

Tulad ng nabagggit ko, hindi na bago ang estilong ito. Ang malaking kaibahan ngayon ay ang paggamit nila sa makabagong teknolohiya at estilo para abusuhin ang karapatan ng kanilang parokyano.

Sa pamamagitan ito ng pag-HACK at pag-CLONE sa telepono ng isang debtor. Nagagawa nilang kopyahin ang CONTACTS at ilang DATA sa telepono ng umutang. Kasunod nito, ISA-ISANG padadalhan ng mensahe ang mga nakuha nilang numero sa layong ipahiya ang debtor.

Bunsod nito, tinatawagan natin ang DICT bilang ahensya ng gobyerno na may saklaw sa ganitong problema, para imbestigahan ang ginagawang HACKING at pagnanakaw sa mga pribadong impormasyon ng isang indibidwal.

Sa puntong ito, hindi lamang ang kompanyang PONDO PESO ang dapat BUSISIIN. Nararapat ding imbestigahan kung hindi man MAPAHINTO ang operasyon ng ONLINE LENDING na nauuso sa kasalukuyan.

Bagama’t SIMPLE lamang na problema at ang mga biktima ay karamihan nakinabang naman sa kanilang inutang. Ngunit, ‘ika nga, malinaw na may paglabag sa batas ang mga naturang kompanya.

Samantala, sa mga kababayan nating kadalasan biktima ng KAGIPITAN, iwasan nang KUMAPIT sa ganitong sistema. Tandaan, ang pagsisisi, laging nasa huli!

Bukas ang espasyong ito sa paliwanag ng PONDO PESO.

-o0o-

Ang kolum na ito ay naglalaan ng espasyo para sa ating mga manggagawa. Ipadala ang inyong mga karaingan, sumbong, reklamo o maging solusyon sa mga problema sa inyong kapaligiran. Iliham lang sa Diaryo Bomba o kaya ay i-email sa dongbvaleza@gmail.com. (TINIG NG MANGGAGAWA / Dong Valeza)

Please follow and like us:

Related posts

One Thought to “DATA SA CP KAYANG I-HACK/CLONE NG ONLINE LENDING COMPANY?

  1. Pinay

    Biktima po ang marami dito sa pondo peso…may magloloan para inyo at isesend sa coins account. at wala kayong matatanggap. tapos po they will message you na due date nyo na. then they will keep calling you, and call and call you, and they will use different numbers to hook you tapos they will hack your data. kung anong app ninyo they will also see it. and ang bastos ng mga tumatawag if tehy will call you and they wont answer they are kjust hacking the info. They will also hack your facebook infor idownload nila ito.

Leave a Comment