DAPAT LANG SAMPAHAN NG KASO SINA AQUINO, PURISIMA AT NAPEÑAS

CHRISTIAN BOMB

NAG-FILE ng motion for reinvestigation sa Ombudsman ang ­Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) para buksan uli ang kasong Mamasapano massacre dahil may mga bago raw silang testigo at mga ebidensya laban kay ­dating Pangulong Benigno Aquino, dating PNP Chief, Gen. Alan Purisima at dating PNP-Special Action Force (SAF) commander Getulio Napeñas.

Masamang balita ito para kina Aquino, Purisima at Napeñas dahil kapag kinatigan ng Ombudsman ang hirit na reinvestigation ng VACC ay baka diyan na sila makulong sa pagkamatay ng 44 pulis na ­tinaguriang “Fallen SAF 44”.

Sa totoo lang, dapat talagang may managot sa kasong ito dahil 44 pulis ang pinabayaan ng nakaraang gobyernong Aquino na mapatay ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) noon sa Mamasapano, Maguindanao.

Humihingi na kasi ng responde noon ang na-trap na SAF 44, pero dahil ayaw ni Aquino na magkaproblema ang peacetalks ng kanyang gobyerno at ng MILF, hinayaan na lang na tadtarin ng bala ng mga rebeldeng MILF ang 44 pulis.

Sa parte nina Purisima at Napenas ay wala rin silang ginawang aksyon para hilingin kay Aquino na respondehan ang SAF 44.

Dahil 44 na pulis ang hinayaan nina Aquino, Purisima at Napeñas na mapatay ng MILF  kaya’t tama lang ang desisyon ng VACC na hilingin sa Ombudsman na buksan uli ang kaso upang makasuhan sila ng reckless imprudence resulting in multiple homicide.

oOo

TIMBRE: Paging PNP-OIC Gen. Archie Gamboa, wala pa rin daw aksyon si Batangas PNP Director, Col. Edwin Quillates para dakpin ang may pa-color games, beto-beto, hi-lo at drop balls sa Lipa City na si alyas “Tessie”… Isang alyas “Tepang” daw may pa-jueteng sa Cubao, Quezon City at wala rin daw aksyon dito si QCPD Director, Col. Ronnie Montejo. (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment