CRIMINAL JUSTICE SYSTEM BAGUHIN, ‘ONE DAY TRIAL’ SA HEINOUS CRIME IPAIRAL NA

CHRISTIAN BOMB

MAKALIPAS ang sampung taon, nakamit din ang hustisya ng 58 kataong biktima sa Maguindanao Massacre, na karamihan sa mga pinatay ay mga journalist at kababaihan.

Hinatulang guilty ni Quezon City Regional Trial Court Judge Jocelyn Solis-Reyes na may parusang habambuhay na pagkakakulong ang magkakapatid na Ampatuan na nasa likod ng krimen noong Nobyembre 23, 2009.

Ganito ang justice system sa ating bansa, kapag mayayamang politiko ang gumawa ng kasalanan ay umaabot ng dekada bago mapatunayang nagkasala.

Pero ang mahihirap, kapag nakagawa ng krimen ay simbilis ng kidlat kung hatulan ng korte.

May mga pagkakataon pa nga na may mahihirap na napagbintangan sa mga kasalanang hindi nila ginawa ay nakukulong agad.

Dahil nga sa isang dekada inabot ang kasong Maguindanao massacre, isang dekada rin naghirap ang kalooban ng pamilya ng mga biktima, isang dekada silang kakaba-kaba na posibleng may ga­wing masama sa kanila ang mga makapangyarihang akusado sa krimen.

Upang hindi na maulit ang ganyang katagal na pagdinig ng kaso, dapat ay ipairal na ng Supreme Court (SC) ang hiling ng Integrated Bar of the Phi­lippines (IBP) na “one day trial” sa mga kasong may kaugnayan sa mga karumal-dumal na krimen.

Panahon na talagang baguhin ang criminal justice system sa bansa upang mapabilis ang mga pag­lilitis sa kaso at makamit agad ng mga biktima ng karumal-dumal na krimen ang hustisya.

oOo

TIMBRE: Paging PNP-Region 4-A Commander, Brig. Gen. Vicente Danao, may isang alyas “Franz” daw ang may ilegal na drop balls sa Tanauan City, Batangas…Paging PNP-Region 3 Commander Brig. Gen. Rodel Sermonia, isang alyas “Carlito” raw may pa-video karera sa Meycauayan City, Bulacan. (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Related posts

Leave a Comment