CORRUPTION AT MGA KAPALPAKAN SA SEA GAMES

CHRISTIAN BOMB

MATAPOS mabunyag ang P50 million overprice sa SEA Games cauldron (kaldero), ang sunod-sunod na kapalpakan naman sa palarong ito ang nabalita, kabilang ang hindi maayos na pag-istima ng PHISCOG (Philippine SEA Games Organizing Committee) Foundation Inc. sa mga atleta ng Timor Leste, Cambodia, Thailand at Myanmar na dumating sa bansa.

Kabilang sa mga kapalpakan ay ang late na pagsundo sa airport, sa mga mini-bus lang isinakay, sa maling hotel nadala, hindi maayos na tulugan at tini­pid sa pagkain at tubig ang mga dayuhang atleta.

Dahil sa kapalpakan ng PHISCOG, naobliga ang Malacañang na mag-sorry sa mga dayuhang atleta sa hindi magandang karanasang nangyari sa kanila sa Pilipinas.

Kung sana ay nasunod ang unang kagustuhan ni Pangulong Duterte na gobyerno ang mangasiwa sa SEA Games at hindi ang pribadong foundation ng grupo ni Speaker Alan Cayetano, maaari sanang naiwasan ang corruption at kapalpakan sa event na ito.

Dahil diyan, lumabas ngayon na kahiya-hiya sa mundo ang Pilipinas, kasi bukod sa may corruption na, sablay pa ang ginawang pangangasiwa ng PHISCOG sa SEA Games.

oOo

TIMBRE: Paging NCRPO Director, Brig. Gen. Debold Sinas, hindi pa rin daw tumitigil sa paghingi ng payola sa mga gambling lord sa Maynila ang mga pulis na sina alyas “Tata Jokson” at “Tata Itoy”… Paging PNP-Region 3 Director, Brig. Gen. Rhodel Sermonia, may pa-color games at drop balls daw sina alyas “Kiros” sa Brgy. Maragul, Angeles City at “Lourdes” sa Meycauayan City, Bulacan. (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment