COLLEGE FREE TUITION ‘DI PARA SA LAHAT?

BOMBAHAN NA FINAL

HINDI lahat ng gustong mag-aral na lahi ni Juan ay nabibigyan ng free tuition sa govt universities at colleges.

Maraming magulang ang nagrereklamo na hindi nakapag-aaral ang kanilang mga anak partikular dito sa Metro Manila.

Bakit kamo?Akalain ba naman natin na kasama pala sa school requirements ng govt universities at colleges ay kailangan botante ang estudyante o dili kaya’y ang kanyang magulang sa siyudad o munisipalidad na kung saan ang eskuwelahan.

Siyempre walang pakinabang ang mayor ng siyudad o munisipalidad na nagpapatakbo ng local universities at colleges sa kanila.

Paano pala ‘yung mga bakwit na pamilya tulad halimbawa nang galing sa Mindanao? Ibig niyong sabihin hindi na sila makaka-enrol at makikinabang ng free tuition sa universities at colleges na pinatatakbo ng local government units?

Baliktarin kaya natin ang sitwasyon, kayo ang maging bakwit, sila ang nakapwesto at nagpapatakbo ng mga eskuwelahan ng LGUs at ‘di rin kayo bigyan ng free tuition. Ano kaya mararamdaman n’yo?

Dahilan daw kasi ng management ng mga eskuwelahan na prayoridad nila ay mga residente nilang mga botante.Tukuyin po natin ang universities at colleges na may ganitong klaseng patakaran na pinatatakbo ng LGUs ay ang Quezon City University (QCU dating QCPU) at University of Caloocan City (UCC).

Kahit na residente ka na ng kanilang mga siyudad subalit hindi ka naman botante wala ka pa rin pakinabang sa kanila.

Ano ‘yan hostage? Sa ayaw at sa gusto n’yo ay mapipilitan kayong ma­ging botante ng kanilang lugar para lang makinabang kayo ng free tuition.

Kawawang lahi ni Juan napaglalaruan ng mga politiko.Alam kaya ni Pangulong Duterte ang ganitong klaseng kalakaran ng universities at colleges?

Gusto pa man din niya na makapagtapos ng pag-aaral ang mga kapus palad na mga Pinoy.

Ang ganitong klaseng mga patakaran ay anti-poor at makasarili.

Obyus ang mga diskarte n’yo para lang makabawi kayo sa kanila ginawa n’yong school requirement ng inyong mga eskwelahan ang pagiging botante sa inyong siyudad o munisipalidad ang mga magulang ng mga estud­yante.

Sana mapansin ito ni Pangulong Duterte, ang ganitong klaseng mga patakaran sa govt universities at colleges.

At para mapatunayan ng lahi ni Juan na ang ‘edukasyon sa Pinas ay para sa lahat’.

Dahil sa ipinagmamalaki ng gobyerno na free tuition fee.

Marami din daw sa govt universities at colleges ang hindi nakatatanggap ng pondo mula sa free tuition program ng gobyerno.

Kaya isa sa dahilan ito na ‘di sila tumatanggap ng hindi botante sa kanilang lugar.

Hala sige,  Adios!

oOo

Pasabugin ang katiwalian isumbong sa Bombahan Na mag-email joel2amongo@yahoo.com//operarioj45@gmail.com. (BOMBAHAN NA! / JOEL AMONGO)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment