CAYETANO WALA NANG PALABRA DE HONOR, SAKIM PA?

CHRISTIAN BOMB

ANG sabi ni Speaker Alan Cayetano na kung gugustuhin daw ni Marinduque Rep. Allan Lord Velasco ay tatapusin na niya ang kanyang termino bilang speaker hanggang June 30, 2022.

Hindi katanggap-tanggap kay Velasco ang sinabing iyan ni Cayetano dahil may malinaw silang kasunduan at ito ay ang term sharing sa pagiging speaker ng House of Representatives.

Ayaw sana noon ni Velasco ang sistemang term sharing sa posisyong speaker dahil mas marami ang kongresistang kapartido niya sa PDP-Laban kumpara kay Cayetano na kakaunti lang ang mga kapartido nitong Nacionalista Party (NP) sa Kongreso.

At dahil alam ni Cayetano na tagilid siya sa laban kaya’t kinausap niya noon si Pangulong Duterte na mag-term sharing na lang sila ni Velasco, na sinang-ayunan naman ng Presidente.

Sa kasunduan, si Cayetano ang unang uupong speaker sa loob ng 15 buwan at si Velasco naman ang susunod na speaker sa loob ng 21 buwan.

Kaya iyong sinabi ni Cayetano na puwede niyang tapusin hanggang June 30, 2022 ang pagiging speaker niya ay mali kasi kung ipipilit niya ‘yan at balewalain ang napagkasunduan nilang term sharing ni Velasco ay lalabas na bukod sa wala siyang palabra de honor, ay sakim pa siya sa kapangyarihan.

oOo

TIMBRE: Paging Bulacan PNP Director, Col. Chito Bersulana, sa Area H sa Sapang-Palay, San Jose del Monte City ay may pa-color games at drop balls daw sina alyas “Tessie” at alyas “Leslie. Paging Batangas PNP Director, Col. Edwin Collates, sa Lipa City raw ay may pa-sakla si alyas “Gerry Muslim”. Paging Cavite PNP Director, Col. William Segun, sa Bacoor City raw ay may pa-jueteng si alyas “Areza”. (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment