BOMOTO NANG MAAGA SA LUNES

CHRISTIAN BOMB

MAGTATAGAL na ng hanggang alas-sais ng gabi ang oras ng botohan sa darating na 2019 midterm elections.

Ito ang ­naging pasya ang Commission on Elections (Comelec), na ­palawigin o pahabain ng isang oras ang ­voting time sa mga presinto sa bansa.

Ayon kasi kay Comelec ­spokesperson James ­Jimenez, lumobo ng ­mahigit 60 milyon ang ­ inaasahang boboto sa Lunes, Mayo 13, 2019 kumpara sa P58 milyon noong 2016.

Mula sa dating alas-sais ng umaga hanggang alas-singko ng hapon ay paaabutin na ito hanggang alas-sais ng gabi.

Sa tantiya kasi ng Comelec, ­hahaba ang pila sa mga ­presinto at lalagpas ito sa alas-singko ng hapon na dating deadline ng pagboto.

Tiniyak din ng Comelec na papayagan pa rin makaboto ang mga botanteng nasa loob ng 30 ­meter-radius ng mga polling center kahit na lagpas na sila sa oras ng pagboto.

Napakaganda ang naging bagong desisyon na ito ng Comelec na bigyan ng mahabang oras ang mga botante sa pagboto.

May pagkakataon ang mga hindi nakaboto nuong nakaraang halalan na maiboto ang kanilang mga ­napipisil na kandidato.

Gayunman, ­dapat ay mas agahan ng mga botante ang pagtungo sa mga polling precint upang sila ay makaboto, dahil kung sa bandang hapon pa sila magtutungo ay baka hindi rin sila makaboto kapag inabot ng alas-sais na pagtatapos ng botohan.

Bomoto nang mas maaga para ang kandidatong ­napipisil ng mga botante ay maiboto at maipanalo nila. (CHRISTIAN’S BOMB)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment