BOC OFFICIALS NGAYON TAKOT SA TRUST & CONFIDENCE FORMULA? 

BOMBAHAN NA FINAL

NAGHAHATID nga-yon ng takot sa mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) ang salitang “trust & confidence”.

Bakit? Dahil daw kay trust & confidence maraming nasisibak sa Aduana.

Kahit na naaabot nila ang kanilang collection target para sa taon, tanggal pa rin sila pag trust & confidence na ang pinag-uusapan.

Linawin po natin, ano po ba ang trust & confidence? Sa isang kusing kaisipan ng BOMBAHAN NA, ibig sabihin nito ‘TIWALA’ sa tao.

‘Di ba Gen. Guerrero sir? Ala nang tiwala ang magiting na heneral sa mga tao niya kaya tinatamaan sila ng trust & confidence.

Paano po yung maganda ang performance at nalalagpasan pa ang kanilang collection target bakit nasisibak pa rin sa isyu ng trust & confidence?

Si Gen. Guerrero na po ang makasasagot niyan.

Napag-usapan namin itong minsan ni Mang Ton-yong Barbero:

Pero sir, bakit sa Port of Cebu may mga naniningil ng ‘tara’ hindi tinatamaan ng trust & confidence? Sila alyas  JayR at Enteng Kabisote, tanong ni Mang Tonyo.

Baka malakas sila kay Lord, sagot ko naman.

Si alyas JayR sir, ay ga-ling sa Port of Batangas at inilipat sa Port of Cebu para lang sa ‘tara’, aniya.

Malakihan daw kung mangolekto ng ‘tara’ itong sina alyas JayR at ka-tandem niyang si alyas Enteng Kabisote, hindi si Bossing Vic Sotto ha, sa mga importer sa Port of Cebu.

Ibig sabihin, ang ginagawa nitong sina alyas JayR at Ka Enteng ay taliwas sa sinasabi ni Gen. Guerrero na bumababa ang ‘tara’ sa Aduana na dati ay malakihan pero ngayon ay P5k na lang?

May tama ka sir, kasi ang hinihingi nitong sina alyas JayR at Ka Enteng ay P24k sa mga importer.

Loko ka Mang Tonyong Barbero, ala kong tama.

Hindi, ibig sabihin na may tama ka sa utak sir, tama ang sinasabi mo.

Ah okey kala ko sabi mong may tama ko, tatamaan ka sana sa akin Mang Tonyong Barbero.

Teka Mang Tonyo, mukhang ala atang kaibahan ang kalakaran ngayon kesa ‘nun para mawala ang ‘tara’ sa Customs. Magkaiba lang ang pamamaraan.

Ngayon kahit magtrabaho ka nang maayos at maabot mo pa ang iyong collection target at malagpasan pa sapul ka pa rin ni trust & confidence.

Parang narinig ko na ‘yang trust & confidence kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte at tinamaan n’yan sina dating DILG Sec. Mike Sueno at NIA Administrator Lavina kaya naglaho ang dalawa.

Pero sir, iba naman ang paggamit ni Pangulong Digong sa trust & confidence. Kahit na hindi galing sa kanyang administrasyon basta’t maganda ang performance at nagtatrabaho nang maayos ay hindi niya ginagamitan ng trust & confidence formula.

Mahirap nga ‘yan Mang Ton-yong Barbero, baka resulta niyan ma-demoralize ang mga empleyado at opisyal ng BOC.

Kumbinsido ko riyan Mang Tonyong Barbero sa sinasabi mo na trust & confidence formula nga ang umiiral ngayon sa BOC dahil minsang may presscon, nagtanong ako kay Gen. Guerrero kung bakit tinanggal ang isang opisyal sa Port of Cebu sa kabila ng naabot niya ang kanyang collection target, sabi ng magiting na heneral, dahil daw sa isyu ng trust & confidence.

Malupet pala talaga ang trust & confidence katatakutan nga siya ng mga empleyado at opisyal ng Aduana.

Paano naman gagawin nila sir, para hindi sila tamaan ng trust & confidence formula?

Mang Tonyo, itanong na lang nila kina alyas JayR at Ka Enteng, alam nila ‘yan kasi hindi naman sila tinatamaan ng hagupit ni trust & confidence kahit na namamayagpag sila sa pangongolekta ng ‘tara’.

Diyos ko pong mahabagin, ano ba yan? Patawarin nyo po kami. God Bless Us.  (BOMBAHAN NA!/ JOEL AMONGO)

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon maaari po kayong magemail joel2amongo@yahoo.com

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment