BAWAL PA RIN ANG PANINIGARILYO SA PUBLIKONG LUGAR

ITO ANG TOTOO

UMIIRAL pa rin ang pagbabawal sa paninigarilyo sa publikong lugar.

Ito Ang Totoo: panganib sa kalusugan hindi lamang sa naninigarilyo kundi pati sa lahat ng nakapaligid dito ang usok ng sigarilyo na punong-puno ng nakalalasong kemikal tulad ng tar, nicotine at iba pa.

Mismong siyensa (science) na ang nagpatunay sa mga panganib at sakit na dala ng panini¬garilyo.

Pero sa Gitnang Luzon, at iba pang panig ng bansa, mistulang kinalimutan na ang pagbabawal sa paninigarilyo sa publikong lugar.

Ito Ang Totoo: sa mga lansangan at ma¬ging sa mga paligid ng gusali, may mga lantarang naninigarilyo, walang pakialam sa dumaraang buntis, bata o matanda, na muli, ayon sa mga dalubhasa, ay vulnerable sa masasamang kemikal na dala ng usok ng sigarilyo.

In fairness, sa loob ng mga mall, wala namang naninigarilyo, pero sa paligid nito, lalo na sa mga parking lot, walang pakundangan ang mga naninigarilyong sarili lang ang iniisip sa bisyong wala namang dulot na kabutihan sa katawan.

Pero bakit naglipana ang mga naninigarilyo na lumalabag sa pagbabawal sa bisa mismo ng Executive Order mula Malacañang?

Maaaring dahil sa halalan, walang may lakas-loob na namamahalang manita o manghuli ng naninigarilyong malamang ay botante.

Maaari ring dahil nakikita na ang mga dapat nagpapatupad ng patakaran mismo ay pawang mga naninigarilyo.

Ito Ang Totoo: maaari ring ang dahilan ng paglabag sa pagbabawal ng paninigarilyo sa publikong lugar ay dahil hindi nila pinaniniwalaan ang nag-issue ng Executive Order sa Malacañang.

Mismong si Pa¬ngulong Duterte kasi ay walang pakundangan sa pananalita at paninindigan, halimbawa pati Diyos, relihiyon, mga Obispo at ka-Parian ay binabalahura.

Ang pagdamay sa mga hindi naninigarilyo sa masamang usok na ibinubuga ng naninigarilyo ay isang uri ng pambabalahura, na kung tutuusin ay mistulang pagpatay na maituturing.

Tapos na ang Eleksyon, wala nang botong mawawala, kaya dapat, ang mga namamahala, muling maghigpit sa pagpapatupad ng Executive Order no. 26.

Buhay ng tao ang nakataya. Kung nagpapakamatay ang mga naninigarilyo, dapat huwag na mandamay ng ibang tao. Ito Ang Totoo!  (ITO ANG TOTOO / VIC. VIZCOCHO)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment