BAD NEWS NA PAMBAGONG TAON NG GOBYERNO SA TAUMBAYAN

CHRISTIAN BOMB

MAY bad news sa pagpasok ng year 2020 at ito ay ang taas pres­yo sa mga produktong petrolyo.

Sa bisperas pa ng Bagong Taon, sasalubungin ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga konsumer, dahil sa Martes, Disyembre 31, madarag­dagan ang singil sa kada litro ng gasolina ng P0.80-P0.95/litro, P0.40-P0.50/litro sa diesel, at P0.30-P0.40/litro sa kero­sene.

Bukod diyan, nakaamba rin ang taas-pres­yo sa LPG na magsisimula sa Enero 1.

Tinatayang P7 hanggang P8 ang itataas ng kada kilo ng LPG o dagdag na P77 hanggang P88 sa 11-kilong tangke.

Sabi ng Department of Energy (DOE), hindi pa ito ang dagdag-si­ngil ng excise tax dahil kailangang ubusin pa ang lumang stock ng langis.

Kung ganun, ang taas-presyong ito sa mga produktong petrolyo ay madadagdan pa kapag ipinataw na ang excise tax na nakapaloob sa TRAIN (Tax Reform for Acceleration and Inclusion) Law.

Masamang balita iyan sa mamamayan dahil ang taas-presyo ng mga produktong petrol­yo, ang kasunod niyan ay taas-presyo ng mga bilihin.

Iyan ang masamang pang-bagong taon ng gob­yerno sa taumbayan.

oOo

TIMBRE: Paging PNP-OIC Gen. Archie Gamboa, isang alyas “Zhornak” daw ang guma­gamit sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para makapa­ngotong sa mga ilegalista sa Metro Manila. (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Related posts

Leave a Comment