APO NI DOLPHY NAGSUMBONG SA BOMBAHAN NA

BOMBAHAN NA FINAL

NAPAIYAK ang apo ng yumaong komedyanteng si Dolphy habang ikinukwento sa Bombahan Na ang kalupitang dinanas umano niya mula sa isang mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Na naman?!

Itago muna natin ang kanyang pangalan sa initials na ‘RBQ’, anak siya ni Rolly Quizon.

Kwento ni RBQ, taong 2014 nang mabili niya ang sirang Ford Ranger (Model 2014) na kulay puti sa halagang P550,000 mula sa isang namimili ng mga nabanggang sasakyan.

Mula sa Milestone Guaranty & Assurance Corporation (dating Eastern Assurance and Surety Corporation) na matatagpuan sa no. 2654 Saygan St., Malate, Manila ay naibenta ang sasakyan sa ibang tao.

Ang nasabing Ford Pick-up ay unang binili ng Goldrock Construction and Development na matatagpuan sa GCDC Building, #78 Conception St., Morning Breeze Subdivision, Caloocan City.

Nang mabangga ito ay nagtamo ng malaking sira sa harapan nito.

Dahil naka-insured ang sasakyan, binayaran ito ng Milestone Guaranty & Assurance Corporation kaya’t naiwan ang sasakyan sa kanila.

Binili naman ito ni Rommel Gutierez, residente ng Riverside, San Nicolas, Bulacan mula kay Norberto Sauco, presidente ng Milestone Guaranty & Assurance Corporation sa halagang P400,000,00.

Ang bilihan ay sa pamamagitan ng Deed of Sale na may petsang Hulyo 29, 2015.

At kalaunan ay nabili ni RBQ ang Ford Ranger mula kay Gutierez sa halagang P550,000.00 sa pamamagitan ng “Open Deed of Sale”.

Matapos mabayaran ni RBQ ang sasakyan ay nakuha niya ito sa opisina ng Goldrock Construction and Development.

Agad ipinagawa ni RBQ ang sasakyan sa isang nagngangalang Ronald Lorenzo ng Brgy. Sulipan, Apalit, Pampanga noong Oktubre 2014.

Noong Marso 23, 2015, tinawagan si RBQ ng among si Dave Dungo dahil may mga kalalakihan na naghahanap sa kanya. Agad namang tinungo ni RBQ ang lugar ng amo at doon ay nadatnan niya ang mahigit sa walong kalalakihan.

Ang pakay umano ng mga lalaki ay para hanapin ang Montero na pag-aari ng isang Jason Lee. Bagaman sinabi ni RBQ na wala siyang alam ay isinama siya ng mga lalaki matapos piringan ang kanyang mga mata.

Pagdating sa sementeryo ng San Simon ay ibinaba si RBQ at tuluyan nang tinangay ng kalalakihan ang kanyang sasakyan. Kalaunan ay inabandona ang Ford Ranger sa isang lugar sa San Simon kung saan ito narekober ng Highway Patrol Group ng Pampanga.

Ang sasakyan ay dinala sa Camp Olivas sa San Fernando, Pampanga pero kinuha ng isang nagpakilalang SSupt. Herminio Tadeo. Jr. dahil pag-aari umano niya ang Ford Ranger.

Si Tadeo ay may ipinakitang Deed of Sale na may petsang Feb 27, 2015, subalit nanotaryuhan noong March 24, 2015 at nabili niya raw ang Ford Rander kay Anselmo Tuplano ng Goldrock Construction & Development.

Kaduda-duda ang “deed of sale of motor vehicle” na ginagamit ni Tadeo dahil sinulat lang ng ballpen ang halaga ng sasakyan at pangalan nito.

Paanong nabili ni Tadeo ang sasakyan kay Tuplano samantalang nabayaran na ito ng insurance kay Tuplano at nasa pangangalaga na ng Milestone Guaranty & Assurance Corp.?

Itinanggi rin ni Tuplano na nagkaroon sila ng transaksyon o bentahan ng Ford Ranger ni Tadeo at hindi rin niya pirma ang ginagamit sa deed of sale nito.

Hindi pa nakuntento si Tadeo sa pag-angkin ng sasakyan ni RBQ, ipinakulong pa niya ito ng apat na taon sa kasong carnapping.

Sa susunod ay ibubulgar natin kung saan nakapuwesto itong si Tadeo at sino ang Jason Lee na nagmamay-ari ng Montero na hinahanap nila. Abangan…

oOo

Pasabugin ang katiwalian, mag-sumbong sa BOMBAHAN NA, mag-email joel2amongo@yahoo.com (BOMBAHAN NA! / JOEL AMONGO)

Related posts

Leave a Comment