ANG TUBIG AY BUHAY

KAAA BOOM

WATER is life! sabi ng mga millennial.

Oo naman dahil hindi tayo mabubuhay kung walang tubig sa ating katawan.

Bukod diyan, napakahalaga rin ng tubig sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. ‘Yan ang dahilan kaya ganun na lang ang malasakit ng Lolo Digong ko para masiguro na may maayos na serbisyo ng tubig ang bawat tahanang Filipino.

Pero sadya atang ina­alat tayong mga Pinoy. Noong araw ay sa mga poso o water pumps at water stor-age tayo umaasa para magkaroon ng tubig. Iyan ay dahil na rin sa kabiguan ng gobyerno na makapag-bigay ng tubig nang 24-oras sa mamamayan.

Tapos noong Dekada Nubenta sa panahon ni dating pangulong Fidel V. Ramos ay nakaranas ng krisis sa tubig ang kalakhang Maynila. Dahil diyan naisapribado ang serbisyo ng paghahatid ng tubig sa bawat tahanan.

Unti-unti ay naayos ang mga water pipe dahilan upang gumanda ang daloy ng tubig sa mga gripo sa ba-hay-bahay.

Masasabi nating hindi basta-bastang investment ang inilaan ng mga water concessionaire para mapabuti nila ang serbisyo.

Sa gitna ng mga kaguluhan ngayon kaugnay sa usapin ng tubig, hindi ko maiwasang isipin na baka nais ng gobyernong hawakan ang pamamahala sa distribution nito?

Walang masama pero teka, maghinay-hinay tayo. Bakit ko nasabi?

Alam naman natin na halos lahat nang hinawakan ng gobyerno na kumpanya ay nalulugi kaya nga kar-amihan sa mga ito ay naging pribado na ang mga may-ari at iyan ay dahil na rin sa usa­pin ng corruption.

Ang sabi naman ng iba ay dapat daw ang tubig ay lib­re! Ano raw po ‘yun? Lib­re… Sa panahon nga­yon ay wala nang libre ultimo mo nga mga daanan tulad ng NLEX, SCTEX, Skyway etc. ay may ba­yad. Bakit? Ayaw kasi ng a­ting gobyerno na sila ang mag-invest para sa mga Filipino.

Nangangailangan ng mala­king investment para makapagbigay ng safe at portable drinking water na hindi ginawa ng ating gobyerno kundi iniasa sa Manila Water at Maynilad.

Nito lang nakalipas na Marso nang magkaroon ng water crisis, sinabi ng aking lolo Digong na busisiin ang concession agreement dahil malaki raw ang kinikita ng mga water company.

Pero kung tutuusuin base sa 2018 study ng Global Water Intelligence report, hindi hamak na mababa o mura ang ating tubig kumpara sa ibang water provi­ders sa Pilipinas maging sa Asya.

Anoman ang kahinatnan ng kautusan ng Lolo Digong ko kaugnay sa usapin ng tubig, dapat man-gi­babaw ang kapakanan ng mga Pinoy.

Pero sakaling maputol ang serbisyo ngayon ng water distribution, matitiyak kaya ng pamahalaan na mayroong tutulong tubig sa ating mga gripo? Kayo na po ang bahalang sumagot… KAAA…. BOOM! (KAAA…BOOM!!! / JOEL GOROSPE)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment