ANG SALITA NI PDUTERTE PARA SA KANYA AY BATAS!

CHRISTIAN BOMB

MATAPOS mabalita na binigyan ng release order ni dating Bureau of Corrections (BuCor) Director General Nicanor Faeldon ang 10 presong drug lords na nakapiit sa New Bilibid Prison (NBP), na pawang testigo sa drug case ni Sen. Leila de Lima na mailipat sa Marine barracks sa Fort Bonifacio, ay inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang nag-utos nito sa dating BuCor director.

Ang naging desisyon na ito ni Pangulong Duterte, ayon kay Sen. Franklin Drilon ay mali.

Ayon kay Drilon, dahil ang korte ang humatol na makulong sa Bilibid ang mga preso, ang dapat daw na ginawa ng gobyerno ay humingi ng pahintulot o release order mula sa korte.

Sa ginawang iyan ni Pangulong Duterte ay pagpapakita ito na wala siyang respeto sa korte.

Nuon pa man ay ipinakikita na ng gobyernong Duterte ang pagsalaula nila sa batas, dahil ang kunin nilang testigo laban kay Sen. De Lima ang mga presong nahatulan na ay labag din sa batas.

Nakasaad kasi sa batas na sinomang nahatulan na ng korte ay hindi na puwedeng tumestigo sa anomang kaso, pero sa kaso laban kay De Lima, mga preso sa bilibid ang ginamit na testigo ng administrasyong Duterte.

Bilang pangulo, dapat ay si Presidente Duterte ang unang nagpapakita ng respeto sa batas, pero ang masaklap, ipinakikita niya sa publiko na wala siyang respeto sa Saligang Batas ng Pilipinas.

Katunayan nga, sa isyung iginigiit nuon ng oposisyon kay Pangulong Duterte na sabihin nang personal kay Chinese Pres. Xi Jinping na batay sa Konstitusyon, ay pag-aari ng Pilipinas ang West Philippine Sea (WPS), ay nasabi ng Pangulo, na ang Saligang Batas ng Pilipinas ay isang uri lang ng papel at ikinumpara pa ito sa “toilet paper.”

Sa sinabing ito ni Pa­ngulong Duterte ay waring ang gusto niyang ipakita sa mundo, na ang salita niya ang batas ng Pilipinas at hindi ang mga nakasaad sa SaligangBatas.

oO0

TIMBRE: Paging PNP Chief, Director Ge­neral Oscar Albayalde! Namamayagpag daw ang pasugal na color games, beto-beto at drop balls ni alyas “Baby” sa bisinidad ng Target Mall sa Sta. Rosa City; Pulo sa Cabuyao City at Landayan sa San Pedro City, pawang sa Laguna. Sa Tarlac, largado na rin daw ang operasyon ng jueteng nina “Peping” at “Bebot”. Sa Marikina City, tuloy raw ang operasyon ng lotteng at bookies ni “Rose.” (CHRISTIAN’S BOMB / CHRISTIAN HERNANDEZ)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment