AMBULANCE FOR RENT, HEALTH CENTER AT IBA PA…

KAAA BOOM

ANO itong nakarating sa atin na sumbong na nagmimistulang ang ambulansiya sa Angono Government ay pinarerentahan? Ganun? Bakit?

Ang siste raw kasi kung wala kang wala kang pera ay hindi ka makasasakay sa ambulansiya…Why?

Kasi kailangan daw na may pang-gas ang isang pasyente bago sila maitakbo sa ospital na nais nilang pagdalhan sa kanila. Anong nagyari? Bakit ang mismong pasyente ang magbabayad? Paano kung walang pang gas ang mga ito? Mamamatay na lang at hindi nito itatakbo?

Hindi lamang pala pang-gas ang problema ng mga nais na magpatakbo sa mga ospital kungdi dapat din na mayroon kang pambigay sa driver na dalawang daang piso… naku po, naloko na.

Ito raw ang nangyayari sa Barangay Mahabang Parang, Angono, Rizal na pinamumunuan ni Kapitan Jojo Villangca? tanong bakit ganito Kap, ang naging proseso sa ambulansiya? nasaan ang naka-allocate na gas sa ambulansiya? Nawawala ba? O sadyang walang allocation na itinakda sa budget ng barangay?

Obvious na para sa bayan ang ambulansya, hindi naman kasi ito pag-aari ng pribado. So, kung para sa bayan, malinaw pa sa liwanag ng buwan na walang bayad ang paggamit nito. Libre ang paggamit. Tama?

Base pa reklamo ng mga residente ng nasabing barangay, pahirapan daw kapag walang maiabot ang kaanak ng nangangailangan ng ambulansya para dalhin sa ospital ang mga pasyente, hindi sila iintindihin pero kung mayroon maiabot, mas mabilis pa sa lipad ng eroplano ang takbo ng ambulansya. bwahahaha…

Nakarating na kaya kay Angono Mayor Jeramae Calderon ang mga ganitong gawain, o sa ama nito na si Vice Mayor Gerry Calderon na matagal na naging ama ng bayan.

Sa aking pagkakaalam, magaling si Gerry pagdating sa pagbibigay ng serbisyo publiko pero bakit mayroong mga ganitong nangyayari.

Hindi lamang ambulansiya ang may bayad sa Barangay Mahabang Parang kundi pati na rin ang Health Center ay mayroong din naniningil… hehehe nalintikan…

Kadalasan daw na pinababayaran ang mga serbisyo pati na ang gamot. Ganern? Aysus, nakaletse-letse. Gamot may bayad o galing sa Department of Health ang mga gamot sa center ‘di ba? Bakit pinababayaran n’yo?

Ayaw na ayaw ng aking Kuya Senator Bong Go ang ganitong gawain kaya nga nagtayo siya ng mga “Malasakit Center” para maging libre ang pagpapagamot ng mga mahihirap na mga Filipino.

Alam din kaya ng mag-amang Calderon na masusungit sa mga pasyente ang health workers daw sa health center? Biruin mo, hirap ka na susungitan ka pa. Dapat sana Mayor Jeramae, ang mga ganitong mga kawani ay agad ninyong sibakin dahil wala silang karapatan na maging government employee.

Isa pa itong mga senior citizen daw sa nabanggit na barangay ay atrasado raw ang natatanggap na pension dahil daw ito sa kakuparan ng proseso. Ano pa ang hinihintay ninyo, action na po Mayor at Vice Mayor, bago tuluyan masira pa ang pangalan ninyo? KABOOM… (KAAA…BOOM!!! /  JOEL GOROSPE)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment