2 EMPLEYADO NG DPWH NASA HOT WATER

PASABOG

PARANG nakasa­lang sa mainit na kawali itong dalawang kupal na empleyado ng DPWH makaraang mabulgar at madiskubre ng ilan sa mga kasamahan nito ang  kanilang modus sa loob ng opisina.

Ang estilo nitong mga walang modo na empleyado, sa halip na gampanan ang kanilang from day to day assigned task, mas pina-priority nitong mga kupal ang pangingikil sa mga kontraktor?

Ang akala ko, sorry maraming nasisira sa akala! Take note, mga reader, ang pagkakaalam ng publiko, stop na ang corruption sa loob ng DPWH! Oh my God!, patawarin mo sila sa kanilang taliwas na mga pag-iisip.

Lalong tumindi ang kurapsyon sa loob ng ahensiyang ito, ito ay ipina-aalam ng inyong abang lingkod sa mga naniniwala sa maling akala, na bago maniwala, be sure there is proof, ika nga.

Balik tayo sa dalawang kupal, ang ginagawa nitong dalawa, kapag may collection ang DPWH stakeholder, huwag na natin pala­limin, mga kontraktor, hindi uusad ang papel sa kamay nitong dalawang empleyado kung hindi magpe-personal appearance ang kontraktor or any representatives from the  company.

Kasi, anong kasi? Ganito po ‘yan, bago gawin nitong dalawa ang kanilang trabaho, kailangang ibigay muna ang padulas na tig-isang libong piso sa bawat isa sa kanila, or else hahayaang amagin sa kanilang drawer ang papeles ng kawawang kontraktor.

Secretary Villar, ano ba yan? Baka natutulog sa pansitan ang ilan sa mga nakapaligid sa ‘yo? Wake up, Wake up! Huwag patu­log-tulog, naiisahan kayo nitong dalawang kupal!

Sa next isyu, inisyal muna ng pangalan ang lalabas, kung baga sa old song, I know alam ito ng mga gaynor, hano! ‘Yun bang  Killing me softly! (PASABOG / FROILAN MORALLOS)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment