RESIDENTE NG MAYNILA SA COASTAL AREAS PINALILIKAS

(DAHLIA S. ANIN)

PINALILIKAS na ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga residente ng Maynila nakatira sa coastal area dahil sa banta ni bagyong Tisoy.

Ang mga residente ng Baseco, Isla Puting Bato, Aroma at Happyland ang ilan sa mga pinalilikas dahil sa posibleng storm surges. Pansamantala silang sisilong sa mga evacuation centers sa kanilang mga lugar.

Alas 11 ng gabi noong Lunes nang mag-landfall ang bagyo sa Gubat, Sorsogon, ayon sa Pagasa at posibleng magdala ito ng malakas na hangin at ulan sa Metro Manila.

“Ayon sa Pagasa, baka lumakas ang bagyo patungo sa Maynila,” ani Moreno.

Sa ngayon ay taglay ni Tisoy ang hangin na nasa 175kph at bugso na umaabot sa 240kph.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment