QCJ WARDEN ‘ISINUSUKA’ NG JAIL OFFICERS AT MGA BILANGGO

QCJ-3

(Ni NELSON S. BADILLA / Ikatlo at huling labas)

Pero, kahit nga napatunayan ng korte na nakagawa sila ng krimen ay hindi sila dapat ituring na mga ‘hayop’ o ‘alipin,’ sapagkat hindi sila mababago ng ganitong hindi makataong pagkalinga sa mga bilanggo.

Ang ganitong prinsipyo ay kabisado ni Enriquez bilang beterano at opisyal ng BJMP.

Habang pinaniniwalaang malakas ang kapit ni Enriquez sa BJMP, sapagkat bataan nga ito ni Tapayan, alam ng mga jail officer ng QCJ na bilang na ang kanyang maliligayang araw.

Ayon sa sources, hanggang Marso 25 na lamang si Enriquez sa QCJ, sapagkat siguradong papalitan siya.

Ang nasabing petsa ay isang araw matapos magretiro si Tapayan.

Ang inaasahang papalit kay Tapayan ay si Iral, sa halip na si Panti.

Si Iral din ang napupusuan ni Año, sapagkat si Panti na idinidiga ni Tapayan ay marami nang ‘reklamong’ nakarating kay Año.

Hindi lang alam ng sources kung alam na ni Enriquez na mawawala siya sa QCJ pagkatapos magretiro ni Tapayan.

Ayon sa mga jail officer, ang dapat na ipalit kay Enriquez ay hindi iyong opisyal na “walang puso kung humawak ng pera at alipin kung ituring ang mga bilanggo.”

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment