QCJ WARDEN ‘ISINISUKA’ NG JAIL OFFICERS AT MGA BILANGGO

QCJ-2

(Nelson S. Badilla / Ikalawang labas)

TAPOS, sobrang higpit pa raw ni Supt. Fermin Enriquez sa mga tauhan nito na halos “alipin” daw kung sila ay ituring.

Kaya, tahasang ‘isinusuka’ nila si Enriquez.

Gusto nilang mawala kaagad si Enriquez, ngunit hindi ito matatanggal hanggang nakaupo pa si Director Deogracias Tapayan.

Nabatid din ng reporter na ito na hindi lang ang mga jail officer ang naghahangad na matanggal si Enriquez kundi maging ang mga bilanggo.

Ipinarating ng impormante mula sa QCJ na nagrereklamo ang Batang City Jail (BCJ)at iba pang grupo na ‘masyadong mabaho’ ang kanin nila.

Ibig sabihin, mumurahing bigas ang ipinarasyon ni Enriquez.

Taliwas ito sa panahon ni Supt. Emerlito Moral mula noong 2017.

Tapos, hindi pa maayos ang pagluluto ng mga ulam dahil mistulang panghayop umano ang pinapakain ng pamunuan ng QCJ ngayon, banggit ng impormante.

Napakalayo raw ito noong panahon ni Moral.

Dahil dito, gusto nilang paimbestigahan ito sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ang BJMP ay mayroong sapat na badyet para sa bawat bilanggo ng lahat ng mga kulungang nasa ilalim ng pamamahala at pamumuno ng BJMP sa buong bansa.

Nakaangkla ito sa prinsipyong makataong pagtrato sa mga nakakulong, lalo pa’t silang lahat ay inosente hangga’t wala pang pinal na hatol ang huwes sa kani-kanilang kaso. (Itutuloy)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment