MALE STAR ATRAS SA REQUIREMENT NG PRODU PARA SA LEAD ROLE

malestar silhouette

(NI ED DE LEON)

TOTOO iyon Tito KC, isang dating male star talaga ang nagsabi sa amin. Tinawagan daw siya ng isang film producer, bago pa natapos ang unang pelikulang kanyang ginagawa. Sinabi sa kanya, sa susunod niyang pelikula ay bida na siya, solong bida at bibigyan ng malaking build up. Pelikula iyon tungkol sa isang macho dancer. Pero ang kapalit, kailangang maging syota siya ng bading na film producer.

Natakot daw siya, at nang umalis sa opisina ng producer ay hindi na nagbalik pa, kahit na may ilan pang eksenang hindi nakukunan sa ginawa niyang pelikula. Siyempre siniraan siya, sinabing unprofessional, at sinabing inuna pang itinanan ang girlfriend niya kaysa sa kanyang career. Pero hindi naman totoo iyon. Hindi siya nagtanan. Nag-aral siyang muli.

Pero kagaya nga noon, may kaso ng sexual harassment, pero ang katuwiran ay “wala namang nangyari eh”. May isang kasong napagsamantalahan “pero kung magdedemanda ako, sabi ni attorney para din daw rape iyan, kailangang ikuwento ng detalyado kung papaano ako inabuso ng bakla. Ano naman ang mangyayari sa akin pagkatapos, malalaman lang ng mga tao ang nangyari sa akin”.

At saka mahal ang attorney’s fees. Mabuti ngayon nag-aalok si Jimmy Bondoc ng legal assistance, kung hindi, aba sa acceptance fee pa lang ng kaso, patay ka na sa pagbabayad.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment