EX-MATINEE IDOL ‘DI MASAYA SA PAGIGING ‘KEPT MAN’ NG MATRONA

malestar silhouette

pwede ed deleon(NI ED DE LEON)

“AKALA ba nila masarap na ang buhay ko sa ginagawa ko? Kailangan ko lang gawin ito para maka-survive,” pag-amin ng isang male star na kept man ngayon ng isang mayamang businesswoman. Sumikat naman noon ang star kahit na papaano, noong siya pa ang boytoy ng isang bading na network executive. Pero sumobra rin siya, tapos may dumating na mas bata, at mas pogi, ijinunk siya ng gay network executive. Ngayon nga syota naman siya ng businesswoman.

“Mas mabuti na ito kaysa sa mademanda ako nang mademanda sa mga negosyong hindi naman kumikita,” sabi pa ni male star.

Tinatawanan lang naman daw siya ng mga kausap niya na mga dati rin niyang kasama sa network na naging boyfriends din ng ibang mga bading.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment