COMMERCIAL MODEL-ACTOR SABAY-SABAY TINUTUHOG ANG BEBOT

(NI GORGY RULA)

KINAIINGGITAN na talaga ng ilang aktor itong si commercial model/comedian sa dami ng mga babaeng natuhog niya nang magkakasabay.

Napapag-usapan na siya noon kung gaanon siya katulis na kahit hindi naman kaguwapuhan, may taglay talaga siyang kakisigan na kinababaliwan ng mga kababaihan.

Sobrang galing niya na kaya niyang pagsabay-sabayin na suyuin ang mga magagandang girls na nakatrabaho niya.

Kuwento ng ilang nakatrabaho niya sa isang network, walang kamalay-malay daw ang tatlong magagandang girls na nilalagare sila nitong si matulis na aktor.

Isang bibidahing aktres, isang maganda ring aktres na magaling sumayaw at isa ring magandang stylist.

Hindi nagkakaalaman, nakakaya ni aktor na i-schedule ang serbisyo niya sa mga babaeng ito.

Hindi nga raw nila alam bakit patay na patay ang mga babaeng ito na sila pa ang mahilig magbigay ng regalo.

Samantalang itong si aktor ay simple lang naman ang drama.  Kahit 20 pesos na ice cream okay na.

Dagdag na kuwento ng aming source, nag-effort daw itong si stylist na bumuo ng isang maliit lang na surprise birthday party para dito kay aktor.

Para hindi mabuking ang sorpresa kay aktor, nagpatulong daw ito sa isang kaibigang maganda ring girl na kilala rin pala ni aktor.

Lingid sa kaalaman ni stylist, nagkatikiman din pala si aktor at  itong si kaibigan ni stylist. Ganun siya kagaling na hindi pa raw alam ni stylist.

Lalo tuloy naku-curious ang iba kung anong meron dito kay aktor na sinasabi na nga raw ng iba na isa siyang magaling na ‘sex machine’.

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment