BAGYONG ‘MARILYN’ MAGPAPAULAN SA LUZON

(NI ABBY MENDOZA)

HINDI inaasahang tatama sa lupa ang bagyong ‘Marilyn’ ngunit inaasahang magpapa-ulan ito sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas.

Sa 11:00 am weather update ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) sinabi nito na alas 9:30 ng umaga pumasok ng bansa ang bagyo,  huli itong namataan 1,355 ang layo mula sa Casiguran, Aurora at kumikilos sa bilis na 25kph taglay ang lakas ng hangin na 55kph at bugso na 70kph.

Ayon kay Pagasa forecaster Benison Estareja, walang inilabas na storm warning signal ang Pagasa dahil hindi tatama sa lupa ang bagyo subalit ang buntot o through ng bagyo ang siyang nakaaapekto sa bansa gayundin ang aktibong hanging habagat.

Asahan umano ang  katamtaman subalit tuluy-tuloy na pag-uulan sa malaking bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila, Calabarzon, Bicol, Mimaropa, Aurora, Quirino, Isabela at Cagayan provinces kung saan binabalaan ang mga residente sa lugar na maging alerto sa pagbaha at landslides.

Sa forecast track ng Pagasa ay sa Linggo, Setyembre 15, lalabas ng PAR ang bagyo.

TUBIG SA ANGAT DAM PATULOY SA PAGTAAS

Umabot na sa 185.12 meters ang water level sa Angat Dam at inaasahan ng Pagasa ang pagtaas pa nito dulot ng ulan na hatid ng bagyong ‘Marilyn’.

Tumaas din ang water level Ipo dam,La Mesa dam,Binga, San Roque, at Pantabangan dams.

 

 

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment