BAGONG LPA PAPASOK SA PAR

ulan1

(NI ABBY MENDOZA)

ISANG Low Pressure Area(LPA) ang inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility(PAR) sa Miyerkoles, sa oras na maging bagyo ay tatawagin itong bagyong ‘Marilyn’, na ika 13 bagyong na pumasok sa bansa ngayong taon.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa) ang nararanasang pag-uulan sa malaking bahagi ng Luzon ay bunsod ng hanging habagat.

Apektado ang mga lugar ng Metro Manila, Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley Region, Rizal at at Central Luzon.

Sinabi ni  Pagasa weather forecaster Raymond Ordinario na bagamat may Low Pressure Area(LPA) malapit sa PAR ay wala pa itong direktang epekto sa bansa, sa Miyerkoles pa ito inaasahang papasok sa PAR at magiging ganap na bagyo.

Nagbabala ang Pagasang posibilidad ng pagbaha at landslide sa mga lugar na apektado ng hanging habagat.

Samantala sinabi ng Pagasa hydrology division na patuloy ang pagtaas ng antas ng tubig sa Angat Dam.

Batay sa monitoring ng Pagasa ay nasa  183.68 meters ang water level ng dam.

Maliban dito ay tumaas din ang antas ng tubig sa Ipo Dam na nasa 100.96 meters gayundin sa San Roque, Pantabangan at Magat Dams.

Una nang sinabi ng Pagasa na inaasahan nilang magnonormal na ang antas ng tubig sa mga Dam sa pagtatapos ng buwan ng Setyembre dahil na rin sa inaasahang pag-uulan dala ng bagyo.

 

 

Related posts

Leave a Comment