ROLLBACK SA DIESEL; DAGDAG PRESYO SA GASOLINA

LANGIS-2

DAGDAG-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang magaganap sa Nobyembre 12.

Bawas presyo sa presyo ng diesel ang ipatutupad habang sa susunod na linggo ay magkakaroon naman ng taas presyo sa gasolina.

Ipatutupad ang mula P0.90-P1.00/litro dagdag sa presyo ng gasolina habang nasa P0.10-P0.20/litro naman ang rollback sa diesel. Sa kerosene ay nasa P0.10-P0.20/litro ang ibabawas sa presyo.

Sa kabuuan mula Oktubre 1 ay nasa P2.55 ang naibawas sa presyo ng diesel habang higit sa P3.00 naman ang naging bawas sa presyo ng gasolina sa parehong panahon.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment