ILANG LUGAR SA MM MAWAWALAN NG KURYENTE

meralco12

(NI KEVIN COLLANTES/PHOTO BY CHRISTIAN HERAMIS)

SIMULA ngayong araw ay asahan nang makakaranas ng mga power interruptions ang ilang tahanang sineserbisyuhan ng Manila Electric Company (Meralco) sa Metro Manila at ilang kalapit na lalawigan dahil sa nakatakdang maintenance works na isasagawa nila sa loob ng walong araw.

Sa inilabas na schedule ng Meralco nitong Biyernes ng gabi, nabatid na ang maintenance works ay isasagawa simula ngayong Linggo, Hunyo 16, hanggang sa susunod na Linggo, Hunyo 23.

Sakop nito ang ilang lugar sa Metro Manila, kabilang ang mga barangay East Rembo, Rizal, Poblacion at Valenzuela sa Makati City; Sta. Cruz sa Maynila; Industrial Valley sa Marikina City; Sto. Niño sa Parañaque City; Pasay City; Barangay Ligid-Tipas sa Taguig City; at Canumay West sa Valenzuela City.

Maaapektuhan din ang Sto. Tomas, Batangas; Silang sa Cavite at San Pedro sa Laguna.

Ayon sa Meralco, kabilang sa kanilang kailangang isagawa ay line reconstruction at reconductoring works, pagpapalit ng mga sira at nabubulok na poste, at paglilipat ng mga pasilidad.

Humihingi naman ng paumanhin ang Meralco dahil sa perwisyong maaaring idulot ng pansamantalang power interruptions at ipinaliwanag na ang kanilang ginagawa ay para rin naman sa pagpapahusay ng kanilang serbisyo sa kanilang mga kostumer.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment