DAGDAG-PRESYO SA OIL PRODUCTS IPINATUPAD

(NI ROSE PULGAR)

NAGPATUPAD ng dagdag-presyo sa ilang produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na epektibo ngayong umaga.

Pinangunahan ng kompanyang Pilipinas Shell at Seaoil ang dagdag presyo na P0.40 kada litro sa diesel at P0.60 naman sa kada litro ng kerosene habang wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina na epektibo ngayong alas-6:00 ng umaga.

Inaasahan naman na susunod na magpalabas ng abiso ang ilan pang malalaki at maliliit na kompanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na dagdag presyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

 

Related posts

Leave a Comment