BAWAS-PRESYO SA PETROLYO; DAGDAG SA LPG

LANGIS-2

(NI ROSE G. PULGAR)

MATAPOS ang sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo, nagpatupad naman ng bawas presyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na epektibo ngayon umaga (April 2).

Pinangunahan ng Pilipinas Shell, PTT Philippine, Petro Gazz at Uniol ang bawas presyo na P0.10 gasoline kada litro, Kerosene P0.20 at P0.30 kada litro sa diesel na epektibo kaninang alas-6:00 ng umaga.

Inaasahan namang susunod na magpatupad ng dagdag-presyo sa gasolina ang ilan pang kompanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na dagdag presyo sa gasolina ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Samantala nabulaga naman ang mga ina ng tahanan at negosyante sa unang araw ng Abril ay nagtaas naman ng presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) na ipinatupad kahapon ng hatinggabi.

Ayon sa kompanya ng Petron Corporation, dakong alas-12:01 ng hatinggabi na ipinatupad ang pagtaas na P1.25 kada kilo sa presyo ng kanilang Gasul Fiesta gas katumbas ng P13.20 na dagdag sa presyo sa bawat 11 kilogram na tangke.

Bukod sa pagtaas sa presyo ng LPG itinaas din ng P0.70 kada litro ang kanilang auto lpg na karamihan ay ginagamit ng mga taxi.

Aasahan naman ang pagsunod ng iba pang kumpanya langis tulad ng Solane sa kaparehong dagdag-presyo sa LPG at auto-LPG kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Ang bagong price hike ay bunsod ng pagtaas ng contract price ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment