‘WALANG WHITEWASH SA KASO NI FAELDON, JR.’

father

 TINIYAK ng Malacanang na walang whitewash sa isasagawang imbestigasyon sa kaso ng anak ni Bureau of Correction (BuCor) chief Nicanor Faeldon na kasamang inaaresto sa drug raid sa Naga City.

Si Nicanor Faeldo Jr. ay kasamang inaresto ng tatay ng kanyang girlfriend na si Russel Lanuzo Bermundo sa Barangay Mabolo, matapos ang anti-drug operation.

Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panlelo na tinitiyak nilang walang whitewash na magaganap sa harap ng matatag na paninindagan ni Pangulong Duterte na sugpuin ang illegal na droga sa bansa.

Nangako naman si Faeldon na agad siyang magbibitiw sa tungkulin sakaling mapanatunayang sangkot sa illegal na droga ang anak.

Pinuri naman ng Palasyo si Faeldon sa hindi niya pagkampi sa anak at paglayo sa isinasagawang imbestigasyon.

“Hayaan nating gawin ng awtoridad ang nararapat at ako man ay handang mag-resign sa tungkulin kung totoo ang kanilang imbestigasyon,” sabi ni Faeldon.

Related posts

Leave a Comment