SUNDALONG ATLETA PINAPURIHAN NG AFP

(NI AMIHAN SABILLO)

PINAPURIHAN at pinasalamatan ng Armed Forces (AFP) ang lahat ng sundalong atleta na nakilahok sa Southeast Asian Games na pormal na nagwakas Miyerkoles ng gabi sa isang engrandeng seremonya sa New Clark City sa Tarlac.

Ayon kay AFP Spokesperson B. Gen. Edgard Arevalo na ipinaabot ni AFP Chief of Staff Gen. Noel Clement ang kanyang pagbati sa 127 sundalong atleta na nagbigay ng karangalan hindi lang sa AFP, kundi sa buong bansa sa kanilang mahusay na performance sa palaro.

Sinabi pa ni Arevalo, 27 ginto, 13 silver at 8 bronze medals ang naiambag ng mga sundalong atleta sa Team Philippines na nagkamit ng pinakamaraming medalya at itinanghal na Overall Champion sa palaro.

Dagdag pa ni Arevalo, bilang  pagkilala sa mga sundalong atleta, sila ay pagkakalooban ng “thanksgiving dinner sa December 19.

Nagpasalamat din si Arevalo sa buong sambayanan sa patuloy na pagsuporta sa AFP, na magdiriwang ng kanilang ika-84 na anibersaryo sa Disyembre 17.

 

Related posts

Leave a Comment