SEGURIDAD SA SEA GAMES, KASADO NA

(NI AMIHAN SABILLO)

IKINASA na ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad sa nalalapit na Southeast Asia Sea Games 2019 na isasagawa sa Clark field sa lalawigan ng Pampanga ngayong Nobyembre.

Ayon kay PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde, kadalasan umanong ibinibigay ng PNP ay manpower upang matiyak ang seguridad gayundin ang kaayusan sa panahon ng prestihiyosong palaro.

Sa ngayon inaasahang aabot sa libo ang bilang ng mga pulis na ipakakalat ng PNP sa mga lugar na pagdarausan ng iba’t ibang mga palaro at paiigtingin din ang intelligence monitoring at gathering para rito.

Sinabi pa ng hepe ng pulisya na ang Police Regional Office 3 o Central Luzon ang siyang mangunguna sa paglalatag ng seguridad at pagbabantay sa anumang posibleng banta mula sa mga grupo na nais manabotahe.

Ginawa ni Albayalde ang pahayag matapos pangunahan nito ang ika-118 anibersaryo ng police service ng Police Regional Office 3 sa Kampo Olivas sa San Fernando, Pampanga, Biyernes ng umaga.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment